Bolano

Fuel subsidy sa mga driver target ibigay bago mag-Sept.

August 16, 2023 Zaida I. Delos Reyes 211 views

TARGET ng Land Transportion Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maipamahagi ang fuel subsidy para sa mga driver at operator ng public utility vehicle.

Sinabi ni LTFRB technical division chief Joel Bolano na hinihintay na lamang ng kanilang ahensya at ng Department of Transportation o DOT rang pondo para sa fuel subsidy program.

“Ang target ng Department at ng LTFRB ay ma-implement fuel subsidy program para sa mga public utility vehicle operators and drivers hopefully before the end of August or within August ay ma-implement na ito basta ma-download na ang budget coming from the DBM (Department of Budget and Management),” – Pahayag ni Bolano.

Nauna nang inihayag ng LTFRB na aabot sa P3 bilyong pondo ang nakalaan para sa fuel subsidy na ipapamahagi sa pamamagitan ng mga call cards na maaring gamitin ng mga PUV drivers sa mga piling gasolinahan.

Sa nasabing programa, P10,000 ang ibibigay sa mga modern jeepney at UV express habang P6,500 naman sa mga driver ng traditional jeepneys.

Mabibiyayaan din sa programa ang mga motorcycle taxis at delivery service riders na bibigyan ng P1,200 na ipapasok sa kanilang e-wallet.

Ang mga tricycle drivers naman ay tatanggap ng P1,000 na kanilang makukuha mula sa local government unit kung saan sila nakarehistro.