Redrico Maranan

Fratmen ‘nakainom’ sa Bravante hazing

October 20, 2023 Melnie Ragasa-limena 185 views

NAKAINOM umano ang ilang miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity na nagsagawa ng initiation rites sa 4th year criminology student na si Ahldryn Lery Bravante, at posible diumano na hindi na nila alam ang kanilang ginagawa.

Ito ang pahayag ni Quezon City Police District (QCPD) director PBGen. Redrico Maranan, base umano sa salaysay ng ilang saksi.

Batay sa cursory examination, 60 palo ng paddle ang tinamo ni Bravante mula sa 20 miyembro ng fraternity.

Patuloy pa rin ang manhunt operation sa iba pang mga suspek na sina Alfred Asinero, Alfredo Bautista, James Edcel Robiso, John Gabriel Cayabyab, Adrian Castro, John Lloyd Bautista, Art Rico, Keith Alcazar at isang nagngangalang Kenneth.

Sa ngayon, anim ang nasa kustodiya ng pulisya na kinabibilangan nina Justine Artates, Mark Leo Andales, Lexer Angelo Manarpies, Kyle Michael de Castro, John Xavier Arcosa at John Arvin Kaylle Diocena.

Samantala, batay sa extrajudicial statement nina Artates at de Castro sa mga suspek, sinabi ng mga ito na tinanggihan nila si Bravante na sumapi sa fraternity dahil 4th year na ito sa kolehiyo at wala na umano itong maitutulong sa fraternity.