![MPD](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2024/06/MPD.jpg)
Foot, beat patrol ng MPD walang tigil
PATULOY ang foot at beat patrol ng mga miyembro ng Manila Police District sa mga bangko, malls, simbahan, palengke at parke sa Sta. Cruz, Maynila.
Bilang pagsunod sa direktiba ni MPD Chief Police Brig. General Arnold Thomas Ibay na palakasin ang pagpapatrolya ng mga lansangan sa Maynila.
Sa pangunguna ni Police Major Fredwin Sernio, hepe ng Blumentritt police station 3, nakipag ugnayan ang mga pulis sa mga security guard ng bawat establisyemento.
Nakikipag-ugnayan din ang mga pulis sa barangay sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez.