BSU

Float ng BSU 1st prize winner sa Sublian float parade

July 26, 2024 Jojo C. Magsombol 401 views

TINANGHAL na Best Float ang entry ng Batangas State University (BSU) sa ginanap na Sublian Float Parade noong Martes na highlight ng 55th Batangas City Foundation Day.

Second place ang float ng University of Batangas, third prize ang Citimart Group of Companies, 4th place ang World Class Batangas Foundation at 5th place ang Prime Energy Resource Development.

Mahigit 30 floats ang pumarada sa Sublian Float Parade, ayon kay Batangas City Mayor Beverly Dimacuha, na mula sa iba’t-ibang establisyimento, institusyon, paaralan at mga samahan.

May 14 na floats ang nag-pabonggahan sa parade competition na may theme na “Pamanang Kinagisnan, Kulturang Pinagyayaman.”

Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang artistic creativity gamit ang mga indigenous materials at mga naggagandahang bulaklak.

AUTHOR PROFILE