Athena Larawan mula sa IG/Athena Red

‘Flirting with the camera’

July 21, 2024 People's Tonight 413 views

PAGDATING sa harutan at pang-aakit, tila walang aatrasan ang isa sa mga newest sexy star ng Vivamax na si Athena Red.

Sa Instagram, dinala ng Vivamax actress ang palaban niyang pag-awra mula sa larawang ibinahagi.

Titig pa lang ng hot actress, talagang kaakit-akit na, pero kung titigan siya dahan-dahan pababa, bubulaga ang sumisirit niyang karisma.

“Flirting with the camera,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Bubungad nga ang pamatay na wangkata ni Athena. Swabe ang kurba ng bebot sa supt niyang two-piece string bikini.

Sure ang mga barako na bet nilang hilahin ang ribbon at i-unpack ang “regalong” hatid ni Athena.

May bago na namang hahanap-hanapin na sex appeal ang mga kalahi ni Adan.

Tamang timpla ang kanyang innocent vibes at hotness. Sino ba namang hindi mahuhulog sa kanyang mestiza beauty na nagmula sa pinaghalo-halong lahi na Pinoy, Kuwaiti, at Espanyol.

Nawindang ang mga kelot niyang followers sa post, kaya naman pinaulanan nila ng puso ang mga larawan ng sexy star.

Tampok sa kalalabas pa lang na original film ng nasabing subscription based, video on-demand app na ‘Maharot’ sa direksyon ni Rodante Y. Pajemna, Jr. si Athena

Kasama ng Vivamax new breed ang iba pang sexy stars na tulad niya kabilang na sina Aiko Garcia at Victor Relosa sa nabanggit na palabas.

AUTHOR PROFILE