POGO Noong Marso 13, 2024, ni-raid ng mga awtoridad ang Zun Yuan Technology Inc. sa Bamban, Tarlac, kung saan nadsikube ang malawakang labor trafficking at scam operation. Source: PAOCC

‘FINANCIER’ NG ‘MAISUG’ RALLIES TUMIBA SA POGO?

March 24, 2025 People's Tonight 388 views

ISANG dating mataas na opisyal mula umano sa nakaraang administrasyon ang nababalitang tumiba nang husto sa industriya ng Philippine offshore gaming operation (POGO).

Ngayon, abala umano siya sa pagpopondo ng mga kilos-protesta ng grupong “Maisug,” pati na rin sa nalalapit na rally sa kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Biyernes.

Ang opisyal ay kasama umano ng mga dating grupong malalapit sa kusina.

Ngayon, nagsusunog umano siya ng kilay upang pabagsakin ang kasalukuyang administrasyong Marcos.

Umaasa kasi ang dating opisyal na muling mararanasan ang “happy days are here again.”

Bilang pangunahing financier ng mga kampanya laban sa administrasyong Marcos, siya ang naglalaan ng pondo at kagamitan para sa mga operasyon sa ground—mula sa pag-charter ng mga bus, pag-imprenta ng mga tarpaulin, pagbibigay ng allowances sa mga coordinator, hanggang sa pamamahagi ng rally kits sa mga overseas Filipinos.

Sa laki ng kanyang naging pakinabang mula sa POGO, tila obligado siyang maglabas ng malaking halaga upang maisakatuparan ang layuning mapabagsak ang kasalukuyang administrasyon.

Mistulang isang medical doctor ang dating opisyal na naghahanap ng lunas sa hangarin ng ilang grupong sabik na sabik nang makabalik sa kapangyarihan.

AUTHOR PROFILE