
Fil-Chinese model nili-link kay Piolo
Pinag-uusapan ngayon sa showbiz ang mga sweet photos ni Piolo Pascual at ng Filipino-Chinese model na si Kim Rivera.
Mismong ang modelo ang nagbahagi ng mga larawan sa Instagram kung saan ay makikitang very sweet sila sa isa’t isa ni Papa P.
Sa mga photo ay tila nasa beach ang dalawa at parehong naka-swimwear.
Sa isang larawan naman ay makikitang nakahilig pa si Kim sa balikat ni Piolo.
In yet another photo, hinahalikan ng aktor ang buhok ng modelo.
Kaya naman ang tanungan ng netizens at fans ay kung girlfriend ba ni Piolo si Kim.
Sa comment section, may nagtanong na netizen ng “Is that Papa P?”
Ang pabirong sagot ng modelo, “Kamukha lang po.”
Well, if true na may nagpapatibok na ng puso ni Piolo, for sure ay marami ang matutuwa na finally ay nakatagpo na ang aktor ng babaeng mamahalin after so many years.
Sa recent interview nga ng aktor ay sinabi niya na 13 years na siyang single at nasanay na siya sa ganitong sitwasyon.
Sabi pa ni Piolo, hindi rin naman siya naghahanap ng seryosong relasyon ngayon.