
FEU binulabog ng bomb threat!
NAGKAROON ng tensyon ang mga estudyante ng Far Eastern University ( FEU) makaraan umanong makatanggap ng bomb threat Miyerkoles ng hapon sa arts building ng universidad sa Claro M Recto Avenue, Sampaloc ,Manila.
Ayon sa ulat ng District Explosive Canine Unit ( DECU) ng Manila Police District, bandang 3:05 p.m. nang nakipag-ugnayan sa kanilang opisina ang mga tauhan ng University Belt Area(UBA) Police Community Precinct hinggil sa tawag na may bomba sa loob ng art building.
Nakipag-ugnayan si Police Executive Master Sargent Edward Raguindin ng MPD- DECU kay Security Manager Marcelino Pedrozo Jr.at sa mga nakatalagang sekyu ng nasabing unibersidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at personnel ng FEU.
Ayon kay Pedrozo, may nag-post ng may bomba sa naturang gusali sa group chat ng “One Piyu Community” sa social media.
Unang nakatanggap ng report si Police Staff Sargent Dave Pamintuan ng MPD-District Tactical Operation Center sa naturang insidente.
Nakumpirmang walang bomba sa loob ng FEU ng mga tauhan ng DECU.
Masusing iimbestigahan ng MPD-Barbosa Police Station 14 kung sino ang dapat managot sa insidente Patuloy ang pagpapatrol ng mga kapulisan ang paligid ng unibersidad ayon sa direktiba ni “The Game Changer General” MPD Chief PBGen. Andre P. Dizon.