Default Thumbnail

Fetus itinapong parang ‘sanitary napkin’ ng ina

August 17, 2023 Edd Reyes 349 views

ISANG fetus na itinapon na parang duguang sanitary napkin, ang natagpuan ng dalawang babaeng estudyante sa gilid ng kalsada Huwebes ng umaga sa Navotas City.

Kaagad na ipinagbigay-alam nina Judhea Miller, 18, at Mariel Madaya, 18, ng Brgy. Tangos South sa mga opisyal ng barangay ng Tangos-North ang natuklasang fetus.

Batay sa ulat ni P/Lt. Jerome Espinas, Staff Duty Officer ng Navotas City Police Station, patungo sa isang carinderia ang magkaibigan para bumili ng pagkain dakong alas-5:50 ng umaga nang magulat sila dahil sa nakaharang na duguang sanggol sa E. Mariano St. Brgy. Tangos-North.

May bahid pa ng dugo ang fetus na palatandaang kalalabas pa lamang sa sinapupunan nang itapon ng walang pusong ina.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa barangay para masilip ang kuha ng nakakabit na CCTV sa lugar.

AUTHOR PROFILE