
Female personality nahaharap sa matinding pagsubok
ISANG kilalang female personality nung early 2000-turned successful entrepreneur ang makailang-beses nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglalaslas sa kanyang pulso at pag take ng overdose ng gamot pero ito’y makailang beses naagapan ng ilan sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.
Nahaharap ngayon sa matinding challenges ang female personality na bumagsak ang negosyo kaya nais na lamang niyang wakasan ang kanyang buhay dahil hindi na umano nito alam kung saan at paanong magsisimulang muli.
Natatakot ang mga kaibigan ng female personality na ito kung ano ang puwede nitong gawin kung mag-isa na lamang ito sa kanyang bahay na naputulan pa umano ng kuryente dahil hindi na nakakabayad sa kanyang electric bills.
May mga generous friends from showbiz ang tumutulong sa female personality pero ang tulong ay hindi naman pangmatagalan.
Natatakot din ang mga kaibigan ng female personality na ito na kapag hindi na ito nabigyan ng tulong ay tuluyan na itong magpatiwakal. Pero patuloy silang umaasa na sana’y makapag-isip nang maayos ang female personality na ito at buong tapang na harapin ang mga problemang kanyang kinakaharap ngayon at magsimulang muli.
Janine may entry sa Venice filmfest
SUPER saya at excited ang Kapamilya singer, actress at host na si Janine Gutierrez na siya’y kasama sa pelikulang “Phantosmia” with Ronnie Lazaro kasama sina Hazel Orencio at Paul Jake Paule na pinamahalaan ni Lav Diaz at isa sa out-of-competition entry sa 81st edition ng Venice Film Festival in Venice, Italy na nagsimula sa araw na ito ng August 28 at magtatapos sa awards night on September 7, 2024.
“Phantosmia” which is Lav Diaz’ 8th film sa Venice International Film Festival will be screened on September 2, 2024.
Thankful din si Janine sa ABS-CBN at sa bumubuo ng bago niyang serye, ang “Lavender Fields” na siya’y pinayagang makadalo sa nasabing prestihiyosong international film festival. Ito rin ang unang pagkakataon na nakadalo ang singer-actress-host sa nasabing filmfest kung saan naroon din ang mga Hollywood stars tulad nina George Clooney, Angelina Jolie, Lady Gaga, Brad Pitt, Cate Blanchett, Daniel Craig, Tilda Swinton, Jude Law, Julianne Moore, Kevin Consner, Joaquin Phoenix at marami pang iba’t ibang malalaking personalidad mula sa iba’t ibang bansa.
While in Venice, hinding-hindi makakalimutan ni Janine ang kanyang kakaibang experience attending the film festival na pinangarap niyang madaluhan.
Tatlong taon pa lamang si Janine sa bakuran ng ABS-CBN pero sunud-sunod ang dumarating sa kanya na magagandang blessings at kasama na rito ang kanyang pinakabagong primetime series na magsisimulang mapanood on Netflix ngayong August 30, sa iWant TFC on August 30 at sa Kampamilya Channel, TV5 and A2Z starting September 2 na siya ring screening day ng “Phantosmia” sa Venice International Film Festival.
Samantala, masaya rin ang takbo ng puso ngayon ni Janine dahil sila na umano ng kanyang rumored boyfriend na si Jericho Rosales na kanyang co-star sa “Lavender Fields” with Jodi Sta. Maria playing the title role. Kasama rin sa nasabing serye sina Maricel Soriano, Jolina Magdangal, Albert Martinez, Edu Manzano, Victor Neri at marami pang iba mula sa magkatulong na pamamahala nina Manuel Palo at Jojo Saguin. Meron ding special participation sa nasabing serye sina Lotlot de Leon at Roxanne Guinoo.
Si Janine ay regular ding napapanood every Sunday sa musical variety show na “ASAP Natin `To”.
MMK director nasa Vivamax na
KILALA si Direk Dado Lumibao sa pagdidirek ng mga wholesome projects on TV and movies tuad ng Maalaala Mo Kaya pero ngayon ay nagdidirek na rin siya ng isang sexy movie for Vivamax streaming sa pamamagitan ng pelikulang “Butas” na mapapanood na simula ngayong August 30, 2024. Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan ng Vivamax sexy star na si Angela Morena kasama sina Albie Casino, Angelica Hart at JD Aguas.
Ayon kay Direk Dado, siya umano ang humiling sa Viva big boss na si Boss Vic del Rosario ng proyekto for Vivamax na nung una ay reluctant na bigyan siya dahil kilala umano siya sa mga wholesome projects.
Sinabi ni Direk Dado na ayaw umano niyang malimitahan ang kanyang skills sa pagdidirek without including sexy films.
Ang katwiran ni Direk Dado, kahit sexy ang tema ng pelikulang “Butas” ay may maganda umano itong kuwento at hindi yung puro sexy scenes lamang ang mapapanood.
“The sexy scenes are integral in the story,” aniya.
Masaya rin si Direk Dado na mahuhusay ang kanyang stars sa “Butas” kaya hindi umano siya nahirapan sa filming ng pelikula.
Ilan sa mga proyektong pinamahalaan ni Direk Dado(on ABS-CBN) include “Princess and I” na siyang launching ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, “Bridges of Love,” “Esperanza: The Movie” at marami pang iba.
Vivamax stars may kanya-kanyang hugot sa buhay
BETWEEN Denise Esteban and Candy Veloso na parehong Vivamax stars, masasabing liberated woman ang huli pagdating sa usaping sex lalupa’t “F Buddies”ang titulo (which will be streamed on Vivamax streaming app on September 3) ng kanilang bagong movie na pinagsasamahan along with Calvin Reyes at Mon Mendoza na pinamahalaan ni Sid T. Pascual.
Inamin ni Denise na meron umano siyang boyfriend na supportive sa kanyang trabaho habang si Candy naman ay kumplikado dahil siya umano ang ayaw magbigay ng commitment sa kanyang partner. Kumplikado rin ang relasyon ni Calvin sa kanyang nobya dahil ayaw umano sa kanya ng parents ng kanyang girlfriend dahil sa kanyang pagpapa-sexy sa kanyang mga pelikula. Stable naman ang relasyon ni Mon sa kanyang nobya dahil nauunawaan umano nito na trabaho lamang sa part ng kanyang boyfriend ang pagpapa-sexy.
During the presscon ng “F Buddies,” sinabi ni Denise kung ano ang kanyang mga restrictions when doing a lovescene at ito’y kanyang dini-discuss with her director at makaka-eksena.
Importante rin kay Denise ang hygiene when doing a lovescene hindi lamang sa kanya kundi laluna sa kanyang magiging partner sa eksena. Nakaranas umano siya ng amoy tabako ang hininga ng kanyang ka-eksena.
Kuwento ng buhay ni Mayor Mamay very inspiring
ALTHOUGH wala pang playdate ang pelikulang “Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story)” na pinagbibidahan nina Jeric Raval, Ara Mina, Teejay Marquez, Polo Ravales, Victor Neri, Ali Forbes, Julio Diaz, Deven Seron, Ron Angeles, Alvin Fortuna, Dennis Coronel Macalintay at iba pa mula sa panulat at direksyon ni Buboy `Neal’ Tan, nagkaroon ito ng matagumpay na red carpet premiere night na ginanap sa Cinema 1 ng SM Megmall last Tuesday evening, August 27 na dinaluhan ng stars and cast at director ng pelikula maging ng producer ng Mamay Productions na si Mayor Marcus Mamay ng Nunungan, ilang celebrities at mga Muslim political personalities.
Napaka-inspiring ng buhay ni Mayor Marcos Mamay at kapupulutan ng magandang aral.
Hindi naging hadlang kay Mayor Mamay ang kahirapan para matupad ang kanyang mga pangarap hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi laluna sa kanyang nasasakupan, ang Nunungan.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.