
Female host makunat pa sa inuyat
MAKUNAT pa sa inuyat ang isang kilalang female host na may itinatagong landi kahit may asawa’t anak na.
Kasi naman, sa tuwing may ipapaayos si female host sa kanyang condo kung saan kinakatagpo niya ang kanyang boylet, wala man lang siyang pameryenda sa mga gumagawa, huh!
Eh, kung makautos pa sa mga tao, akala mo, eh, ang laki-laki ng ibinabayad niya. Gusto pa ngang bawasan ang daily minimum pay na paysung niya, huh!
Pero pagdating sa boylet niya, naku, spoiled na spoiled ito kay female host dahil pinaliligaya siya nang todo sa kama.
Kaya ‘yung mga kinukuhang trabahador kapag kailangan ng repair sa “safehouse” niya, mina-Marites na lang si female host dahil ni hindi man lang sila pinagkakape, huh!
NANGAMPANYA
BILIB na bilib ang panganay na anak nina Ninoy at Cory Aquino at kapatid ng dating Pangulo na si Noynoy na si Ballsy Aquino-Cruz kay senatoriable Bam Aquino kaya inendorso niya ito sa Senado.
“’Yung pagmamahal na pinaramdam ninyo kay Ninoy, kay Cory, kay Noy at sa buong pamilya namin sa mahabang panahong magkakasama tayo, hiling ko po sana ay iparamdam natin kay Bam,” wika ni Ballsy sa isang endorsement video.
“Marami pa siyang maitutulong sa ating lahat. Kaya sana po, eh, ibalik natin siya sa Senado,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Ballsy, anim na taon pa lang si Bam, sumasama na siya sa kanilang caucus upang humingi ng hustisya para sa kanilang ama. Tumulong din ito sa kampanya ng ina niyang si Cory.
Bilang tulong, bumalik sa Tarlac si Ballsy para ikampanya si Bam sa Tarlac Public Market.