
‘Favorite paradise’
“YOU are my paradise!”
Hindi kagila-gilalas na lugar o tanawin ang itinuturing na paboritong paraiso ng mga barako, kundi ang perpektong katawan ng sexy star na si Sunshine Guimary.
Abot langit nga ang ngiti ng kanyang mga tagahanga sa tuwing may upload si Sunshine ng mga post kung saan bida na naman ang kanyang pagka-seksing katawan.
Gaya nito lang, “golden beach babe” ang naging atake ni Sunshine mula sa mga bikini photos na ibinida nito sa isang IG post.
Bida ang perpektong hubog ng kanyang katawan habang suot-suot ang two-piece gold bikini.
“In my favorite paradise,” sey niya sa caption.
Namintana ang kanyang dyoga sa larawan, tila bet na bet ng mga ito na mag-hello sa mga male fans ni Sunshine na izo-zoom na naman ang pictures niya.
Bukod sa kanyang mga bola, solid din ang nakakasilaw niyang kakinisan. Pati ang hubog niya, talaga namang hindi aayawan.
Hindi magkandaugaga ang mga kalalakihan sa kanyang post. Ang gaya ni Sunshine ay tila isang bagyong may hatid na kaseksihan. Ang kanya tuloy comment section ay binaha ng fire emojis at mga puso ng netizens.
Nakilala si Sunshine sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Kaka (2021), Shoot shoot! Di ko siya titigilan! (2021), at House Tour (2021).