Sharon Cuneta

Fashion designer puring-puri si Sharon

April 6, 2025 Vinia Vivar 180 views

Tulad ng kanyang naunang announcement, dumalo si Sharon Cuneta for the very first time sa ABS-CBN Ball na ginanap nitong nakaraang Friday sa Solaire Resort North.

Kasamang dumalo ng Megastar ang asawang si Atty. Francis “Kiko” Pangilinan at magkasabay rin silang rumampa sa red carpet.

Ayon kay Shawie, excited siya sa kanyang very first ABS-CBN Ball, makita’t makasama ang Kapamilya stars, lalo na sina Coco Martin and Julia Montes na parang mga anak na niya kung ituring.

Sunod-sunod nga ang post ni Mega ng mga larawan niya with the Kapamilya stars sa kanyang Instagram at kitang-kita na talagang nag-enjoy siya sa party.

Sa isang litrato na kanyang ibinahagi ay makikitang kasama nila ni Kiko sina Julia at Coco at ang iba pang cast ng “FPJ’S Batang Quiapo.”

Sa isa namang photo ay kasama nila sina Vice Ganda at Anne Curtis.

Sa isa pang larawan ay makikitang kasama niya sina Piolo Pascual at Charo Santos.

Sa isang larawan ni Sharon na kasama si Julia ay makikitang halos magkasing-payat na sila. Ganu’n kalaki na ang ipinayat ni Mega, in fairness.

Samantala, puring-puri naman ng designer na si Rajo Laurel ang look ni Sharon that night.

“My favorite tonight is Sharon Cuneta,” saad ni Rajo na narooron din sa event. “I mean, have you seen Sharon Cuneta now, I mean, my God! She looks like she’s 25! She was incredible.”

Sharon was wearing a simple but elegant nude gown created by Jot Losa at puring-puri rin ito ni Rajo.

“She’s so elegant and simple. Kudos to Jot Losa, kudos to Sharon Cuneta. You’re inspiring everyone to get healthy, beautiful and to get in shape,” papuri pa ng sikat na designer.

AUTHOR PROFILE