Farmer-bookies agent tiklo
NAMPICUAN, Nueva Ecija–Isang magsasaka ang arestado sa mga pulis noong Huwebes matapos magpanggap na Small Town Lottery sales representative pero sa bookies pala nagtatrabaho.
Sinabi ni Nueva Ecija police information chief Captain Franklin D. Sindac na residente ng Bgy. Carmen, Anao, Tarlac anf 23-anyos na suspek.
Nahuli siya ng mga intelligence operatives sa Bgy. West Poblacion bandang alas-9 ng umaga.
Sinabi ni Sindac na nahuli ng mga operatiba ang suspek habang nangongolekta umano ng taya sa lugar.
Napatunayan na hindi konektado sa STL ang suspek nang i-verify ng mga pulis, ayon kay Sindac.
Nakuha mula sa suspek ang bet money na nagkakahalaga ng P650, betting paper at isang ballpen.