
Fans, tanggap na ang hiwalayang Kim at Xian
As of presstime ay hindi pa rin nagsasalita sina Kim Chiu at Xian Lim tungkol sa rumored breakup nila pero mukhang natatanggap na rin ng iba nilang fans na going solo na ang KimXi ngayon base na rin sa kani-kanilang posts.
Sa latest video post ni Kim kung saan ay makikitang solo siyang nakasakay sa kabayo, positibo naman ang comment ng fans.
“Super hot ni Kim ngayon. In demand! Her career can survive w/out any love team2x drama,” sey ng isang netizen.
“Tingin ko matagal na silang hiwalay in terms of spirit; I can sense it from how Xian is in his vlogs. Triggered si Kimmy doon sa sinabi ni Kaila na kung ‘hindi ka na valued or respected,’ it’s time to move away from the relationship. Nangyari na nga. 12 years is too long in any language. Ride on Kimmy into the wild blue yonder,” sabi naman ng isang fan.
“Yes wala sa tagal ng relasyon yan eh. What’s meant to be will be, andami ng nangyayari sa local showbiz na matagal na pero naghiwalay and ngayon married na sa iba,” sagot naman ng isa pa.