Kim Mga larawan: Kim Chiu/X

Fans imbyerna na kay Kim Chiu

November 8, 2023 People's Tonight 417 views

TUMAWID na mula series papuntang real-life ang bwisit ng ilang fans kay Kim Chiu. Ito ay matapos mahuli ni Kim ang inis ng kanyang fans sa pagganap niya bilang “Juliana Lualhati” sa series na “Linlang.”

Sa kanyang social media, inupload ni Kim ang screenshot ng isang text mula sa isang fan na “na-high blood” sa character ni Kim.

Ang gamit na numero ni Kim sa naturang series ay ang number ng art department producer ng series, na siya namang minessage ng fans.

“Sinend ng art dep sa producer namin ng #Linlang nagugulo na po ang cellphone nyang nanahimik! #LinlangOnPrime,” ani Kim kalakip ang screenshot.

Inamin naman ng naturang fan na nadala lamang siya ng pagka-inis kay “Juliana.” Aniya, “Sorry po hahaha eto po yung number ni Kim Chiu sa Linlang na palabas ang galing niya po kasi umacting haha nakakainis sorry nagana pa pala tong number heheheh.”

“Hayupp ka Juliaaaaaanaaaaa yung altapresyon ko hahahaha,” dagdag pa ng fan nang replyan ito ni Kim.

Sa comment section, napuno naman ng papuri kay Kim mula sa netizens.

AUTHOR PROFILE