
Family pic nina Dennis, Jennylyn at Dylan, nakaka-good vibes
Humabol sa Halloween celebration ang Ultimate Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa pinost na cute photos kasama ang kanilang baby na si Dylan.
Ito ang first time na ipinakita ng mag-asawa sa publiko ang mukha ni Baby Dylan mula nang isilang ito anim na buwan na ang nakakaraan.
Suot ang chocolate-inspired costumes, kinagiliwan ng netizens, pati na rin ng mga kaibigan nina Jen at Dennis sa showbiz, ang nakaka-good vibes na family portrait lalo na ang cuteness ni Dylan.
“Hi Baby D! See you soon!” comment ng aktres at fellow StarStruck Batch 1 alumni ni Jen na si Sheena Halili.
“Huhu so prettyyyyy,” sabi naman ng Kapuso comedienne na si Chariz Solomon.
Hindi pa man isinisilang ay headliner na si Baby Dylan dahil dumating ito sa buhay ng mag-asawa just in time bago sila sumabak sa surrogacy.
Bagamat unexpected ay lubos na ikinagalak nina Jennylyn at Dennis na mismong ang ultimate star ang nagdala at nagluwal sa kanilang unang supling.
Sa ngayon, busy si Dennis sa kanyang top-rating na teleserye na Maria Clara at Ibarra na patuloy na umaani ng magagandang reviews sa manonood.
Samantala, inaabangan naman ng bayan ang showbiz comeback ni Jen sa pagsisimula ng susunod na taon.
OPERATION BAYANIHAN
Talagang hindi natitinag ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) pagdating sa pagtulong sa mga Pilipino, lalo na sa panahon ng kalamidad.
Agad na nagtungo ang team ng GMAKF sa ilang mga bayan sa Camarines Sur, Maguindanao del Norte, Cavite, Antique, Iloilo, Catanduanes, Camarines Norte at Quezon upang magbigay ng relief packs para sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng.
Bahagi ito ng Operation Bayanihan ng GMAKF na resulta ng mga donasyong natatanggap nito.
Para sa mga nais pang mag-donate, maaaring mag-deposito sa bank account ng Kapuso Foundation o magpadala sa Cebuana Lhuillier.
Pwede rin via GCash, Shopee o Lazada. Bisitahin lamang ang official website na www.gmanetwork.com/kapusofoundation o ang official Facebook page nito para sa kumpletong detalye.