Sharon

‘FAMILY OF TWO,’ WALANG MABIGAT NA CONFLICT AT BARDAGULAN NG MGA KARAKTER

December 18, 2023 Jun Nardo 550 views

SIMPLENG mother and son relationship ang hatid ng pelikulang Family of Two na nagkaroon ng premere last Sunday sa Trinoma.

Hindi ka naman paiiyakin nang todo pero sa panonood mo, tutulo na lang ang luha mo sa mga eksena ng mag-inang Sharon Cuneta at Alden Richards.

Relatable ang movie lalo na sa mga anak na may overprotective na ina. Ang galing-galing ni Shawie sa mga eksenang ‘yon na todo ang alaga kay Alden.

Magaling din si Alden na kahit paulit-ulit ang kakulitan ng ina sa kanya, eh, na-maintain niya ang husay sa mga eksena lalo na sa eksenang nagkagalit silang mag-ina.

Huwag masyadong mag-expect ng mabibigat na confict at bardagulan ng mga character, huh!

Isang heartwarming movie ang Family of Two mula sa panulat ni Mel del Rosario at direksiyon ni Nuel Naval.

Congratulations to all the cast and Cineko Productions sa isang masarap panooring movie na may touch of comedy.

AUTHOR PROFILE