Faith Larawan: Faith da Silva/IG

Faith bet ang mayaman kesa pogi

September 23, 2023 People's Tonight 368 views

GAME na game na sinagot ng Kapuso artist na si Faith da Silva ang mga bet nito sa isang lalaki.

Sa panayam sa kanya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” tapatan nitong sinabi ang mga kursunada niya sa isang lalaki. Pag-amin ni Faith, mas bet niya ang foreigner kaysa sa mga Pinoy. Gayundin naman ay mas gusto niya ang “mayaman.”

“Pinoy [o] foreigner?” tanong ni Tito Boy.

“Foreigner,” confident na sagot ni Faith.

Kabilang din sa tanong ni Tito Boy ang “pogi [o] mayaman.”

“Mayaman,” natatawang sagot ni Faith.

Sinabi rin niyang mas maganda siya kaysa kay Rabiya Mateo, na kapwa host sa variety show na “TiktoClock.”

“What makes a man sexy?” tanong pa ni Tito Boy.

“Their money,” muling natatawang sagot ni Faith.

Sinabi rin niya na si Zanjoe Marudo ang kanyang dream leading man.

AUTHOR PROFILE