Silva

Faith at kapatid natupad ang pangarap para sa amang nakakulong

December 21, 2023 Aster Amoyo 507 views

FaithISANG maagang Pamasko na maituturing ng Kapuso actress na si Faith da Silva at ang kanyang twin brother na si Silas nang sa kauna-unahang pagkakataon in their 22 years ay nadalaw, nakita, nayakap at nakausap nila ang kanilang biological father na si Dennis da Silva sa loob ng maximum security ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City nung nakaraang Miyerkules, December 20, limang araw bago ang Pasko. Ito rin ang magsisilbing pinaka-best Christmas gift na natanggap ng nakakulong na dating miyembro ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng yumaong star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno on GMA at dating Regal contract talent ng Regal Entertainment.

Ang kasamahan ni Faith sa “TicToClock” show na si Kuya Kim (Atienza) ang gumawa ng paraan na madalaw ng magkapatid ang kanilang ama sa tulong ng Director General ng Bureau of Corrections na si Gen. Gregorio Catapang.

Christmas came early sa magkapatid na Faith at Silas maging sa kanilang ama na mahigit 21 taon nang nakakulong matapos itong arestuhin nung 2002 dahil sa rape and child abuse. He was sentenced to reclusion perpetua or life imprisonment. Seventeen years siyang nakulong sa Pasig City Jail habang ongoing ang kanyang kaso at pagkatapos nito ay saka siya nilipat sa Bureau of Corrections in Muntintulupa City where he is serving his life sentence.

Wish ng magkapatid na Faith at Silas na makalaya balang araw ang kanilang biological father.

Samantala, natutuwa naman ang ama ni Faith na si Dennis para sa anak dahil sa magandang takbo ng career nito sa bakuran ng GMA.

Si Faith ay nagsimula sa kanyang showbiz career nang siya’y sumali sa ika-anim na season ng reality talent show na “Starstruck” at isa sa mga contract talents ng Sparkle GMA Artists Center.

Mga anak ni Dennis sabik na rin sa ama

RoldanMarcoTULAD ng magkapatid na Faith at Silas Da Silva, umaasa rin ang actor na si Marco Gumabao at ng kanyang mga kapatid sa paglaya ng kanyang ama na si Dennis Roldan na nagsisilbi rin ng lifetime imprisonment na may kinalaman sa kidnapping.

Si Dennis ay dating modelo, basketball player at actor. Dati rin siyang kongresista bago ito nahatulan ng reclusion perpetua or life imprisonment nung 2014. Mahigit siyam na taon na rin siyang nakakulong sa BuCor in Muntinlupa City. He just turned 67 last December 8.

Ang dating actor at politician ay may walong anak, tatlong lalaki at limang babae at lima rito ay anak niya sa kanyang misis, ang dating modelo na si Loli Imperial-Gumabao.

Ang tunay na pangalan ni Dennis ay Mitchell Yap Gumabao at nakababata niyang kapatid ang veteran actress na si Isabel Rivas who just celebrated her 65th birthday last Wednesday, December 20.

Luis, Jessy gustong mag-produce ng sitcom kasama si Ate Vi

LuisLuis1MAGWA-ONE-year-old na sa darating na December 28 si Isabella Rose Tawile Manzano na may palayaw na Baby Peanut, ang first child ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola kaya tiyak na ito’y bibigyan ng isang bonggang birthday party ng kanyang celebrity parents.

Although binigyan na ng advance birthday celebration si Baby Rosie na isinabay sa kaarawan ng kanyang mom na si Jessy Mendiola recently, isang hiwalay na birthday pa rin ang ibibigay sa kanya ng kanyang parents.

Napakasuwerte ni Baby Peanut or ni Baby Rosie dahil bukod sa kanyang parents, surrounded din ito ng pagmamahal ng respective families nina Luis at Jessy laluna sa kanyang paternal grandparents, ang mag-asawang Vilma Santos-Recto at husband nitong si Rep. Ralph Recto maging sa ex-husband ni Vi na si Edu Manzano.

Hindi pa man nag-aasawa noon si Luis ay matagal nang wini-wish ng kanyang inang si Vilma ang kanyang pagkakaroon ng apo sa kanyang panganay na anak. Nagkaroon ito ng katuparan nang mag-asawa si Luis kay Jessy at magkaroon sila ng anak na si Baby Rosie na carbon copy ng Star for All Seasons at dating politician.

Anak na rin ang turing ni Rep. Ralph Recto kay Luis at misis nitong si Jessy kaya giliw na giliw ito sa kanyang apong si Baby Rosie na unang pamangkin ng anak nila ni Vi na si Ryan Christian.

Samantala, may basbas ni Luis sa pagbabalik-showbiz ng kanyang misis na si Jessy sa taong 2024. Hindi naman ikinakaila ni Jessy na pangarap niyang makatrabaho sa isang project ang kanyang mother-in-law na si Vilma Santos-Recto at natitiyak niyang marami umano siyang matatutunan dito.

Nagbabalak din ang mag-asawang Luis at Jessy na mag-produce ng isang sitcom for Vi na maaari din nilang pagsamahang mag-asawa. Nai-excite umano sila sa proyektong ito kung matutuloy.

Ang mag-asawang Luis at Jessy ay pareho ring successful vloggers at sumunod sa kanilang dalawa ang kanilang Momshi na si Vi sa pagba-vlog na ini-enjoy nito ngayon.

Vi, on the other hand is making her comeback and reunion movie with Christopher de Leon, ang “When I Met You in Tokyo” na isa sa sampung pelikulang kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko, December 25 at magtatapos on January 7, 2024. Ang Gabi ng Parangal ng MMFF ay gaganapin sa December 27, 2023 sa New Frontier Theater in Araneta City, Quezon City. Isa si Vi sa close contender sa Best Actress trophy.

Ara at Dave gustong magkaanak

AraAra1KAHIT may 9-year-old daughter na ang singer, actress-host at entrepreneur na si Ara Mina sa kanyang ex-partner na isang politician na si Patrick Meneses na si Amanda Gabrielle, pangarap pa rin niyang magkaroon ng anak sa kanyang husband, former politician and CEO ng Philippine International Trading Corporation na si Dave Almarinez.

At 44, naniniwala si Ara na puwede pa silang mabibiyaan ng anak ng kanyang husband na meron ding 18-year-old daughter na si Kirsten sa kanyang ex-wife.

Very close si Ara sa kanyang stepdaughter na si Kirsten at dumalo pa silang mag-asawa sa debut party nito sa Vancouver, Canada this year.

Speaking of Ara, bibihira ang nakakaalam sa pagkakaroon nito ng mabuting puso. Unknown to many, libre niyang pinatitira sa kanyang condo unit in Cubao, Quezon City ang veteran actress na si Deborah Sun at mga anak nito na binibigyan pa niya ng bigas at grocery items.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE