Press House committee on Agriculture & Food and Quezon 1st District Rep. Wifrido Mark Enverga, Assistant Majority Leader and La Union 1st District Rep. Francisco Paolo Ortega V and Assistant Majority Leader and Ako Bicol Party List Rep. Raul Angelo “Jil ‘ Bongalon answer questions from the media during a press conference at the House of Representatives Monday morning. Photo by VER NOVENO

Ex-DU30 adviser maraming dapat ipaliwanag — Bongalon

May 13, 2024 People's Tonight 116 views

DAPAT umanong dumalo sa pagdinig ng Kamara si Michael Yang, ang dating economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasangkot sa Pharmally controversy, upang maipaliwanag ang kanyang kaugnayan sa bilyong halaga ng droga na narekober sa isang warehouse sa Pampanga.

Ayon kay Assistant Majority Leader at Ako Bicol Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon maraming tanong na dapat sagutin ni Yang na ipatatawag sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

“I guess when we speak of serious cases like drugs, I guess the administration, the government, should really look into this controversy, lalong-lalo na nadadawit na naman ang pangalan niya (Yang). At siyempre, parang ipapatawag nga daw ano itong si Michael Yang upang alamin kung ano talagang actual involvement niya dito sa drug syndicates dito sa ating bansa,” ani Bongalon.

“This guy, ang nakikita natin na talagang marami ang kailangang sagutin, dahil nai-involve ang kanya pong pangalan sa iba ibang issues. Even during the previous administration, meron na po siyang mga kinakaharap na kaso,” dagdag pa nito.

Sa nakaraang pagdinig ng komite ni Barbers, lumutang ang pangalan ng interpreter ni Yang , bilang isa sa mga may-ari ng kompanya na mayroong kaugnayan sa warehouse sa Mexico, Pampanga kung saan nakita ang P3 bilyong halaga ng shabu.

Ipinatawag din ng komite ni Barbers si Ong upang makapagpaliwanag.

“Let us have a brief history of who is Michael Yang. As mentioned, he was involved in a very controversial corruption case allegedly with regard to the Pharmally. Kung makikita natin ngayon, nasasabi na naman yung pangalan niya dito sa isang drugs case,” dagdag pa ni Bongalon.

Sinabi ni Bongalon na dapat seryosohin ng gobyerno ang isyung ito.

“The government should really take this seriously lalong lalo na sa usapin ng droga. Talagang kailangan po managot ang mga kriminal at gumagawa po ng ilegal dito sa ating bansa,” deklara ni Bongalon.

AUTHOR PROFILE