Magi

EVALI ang pipinsala sa kalusugan ng ating kabataan.

April 20, 2024 Magi Gunigundo 137 views

ANG ating kalusugan ay kayamanan, at pag-asa ng bayan ang mga kabataan na inaakalang masigla, malakas at malusog upang maipagpapatuloy ang ating mga adhikain na pundasyon sa pagkakaroon ng maginhawa at mapayapang sambayanan. Subalit nangangamba tayo na ang pagkahumaling ng kabataan sa e-cigarettes o vape, at heated tobacco products ay nagdudulot ng EVALI ang pipinsala sa kalusugan ng atingkabataan.

Ayon sa Global Youth Tobacco Survey (2019), 14 % ng mga Pilipino – o isa sa bawat pito – sa pagitan ng edad na 13 at 15 taong gulang, ay gumagamit na ng mga e-cigarette, na tinatayang katumbas halos sa isang milyong kabataan. Kabilang sa mga pangunahing dahilanng paggamit ng vape ng mga mag-aaral ay ang onlineaccessibility nito (32 percent), sari-saring flavor (22 percent), at ang paniniwalang mas ligtas ang e-cigarettes kaysa sa sigarilyo (17 percent).

Dahil bagong produkto ang vape noon, walang datos para pabulaanan ang sales talk para pasikatin ang e-cigarettes. Ngayon, marami ng datos ang nagsasabing ang pagbe-vape sa loob ng 6 na buwan ay mas delikado pa sa paninigarilyo ng dalawang dekada.

Ang EVALI (electronic cigarette or vape-associated lung injury), ay isang medikal na kondisyon ng pasyentena klinikal na nasuri na hirap sa paghinga o may pinsala sa baga na nauugnay sa paggamit sa loob ng anim nabuwan hanggang dalawang taon ng mga e-cigarette o vaping na produkto, kabilang na ang heated tobacco product. Kasama sa mga sintomas nito ang hirap na paghinga, lagnat, panginginig, ubo, pagsusuka, pagtatae, pananakit ng ulo, pagkahilo, mabilis na tibok ng puso o pananakit ng dibdib.

Ang unang kaso ng EVALI sa bansa ay kinumpirma ng DOH noong Nobyembre 2019. Ang pasyente ay isang16-anyos na dalagita mula sa Central Visayas na anim na buwan nang humihithit ng e-cigarettes bukod pa sa regular na sigarilyo. Ayon sa mga eksperto, tinatayang darami pa ang bilang ng EVALI at maaari itong umabot salebel ng isang epidemya.

Ayon kay Dr. Riz Gonzalez ng Philippine Pediatric Society’s Tobacco and Nicotine Control Advocacy Group, ilang mga pasyente ng EVALI ay nagkaroon ng mgasintomas na katulad ng chronic obstructive pulmonary disease, na laganap sa mga nasa hustong gulang na 40 taong gulang pataas. “Ang mga kabataang ito ay dapat maging produktibong miyembro ng lipunan. Pero dinapuan sila ng nakamamatay na sakit na ito dahil langsa paggamit ng vape,” dagdag ni Dr. Gonzalez.

Natukoy ng mga imbestigador sa US Center for Disease Control and Prevention na ang bitamina E acetate, isang kemikal na malawakang ginagamit sa mga vaping juice, ay isa sa mga potensyal na sanhi ng EVALI.

Nagbabala rin ang Philippine Drug Enforcement Agency laban sa vaping juice na nilagyan ng delta-9-tetrahydrocannabinol, kilala rin bilang THC, namatatagpuan sa cannabis, isang ipinagbabawal na gamotsa bansa. “Ito ay nakakaalarma. Imagine, magkakaroon tayo ng mga kabataan na hindi lamang adik sa nicotine,kundi pati na rin sa marijuana sa kanilang mga vape,” pahayag ni Gonzalez.

Ipinagbabawal ng RA 11900, o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act ang pagbebenta at mga patalastas at mga materyal na pang-promosyon sa loob ng distansyang 100 metro sa mgapaaralan, at kailangan may anunsiyo na hindi maaaring bumili ng e-cigarettes ang mga bata na wala pang 18 taon gulang.

Lumalabas na hindi naipapatupad ng mga LGU ang RA 11900. Natagpuan sa pag-aaral ng Institute for Global Tobacco Control (IGTC) sa Johns Hopkins Bloomberg School of Health na patuloy ang pagbebenta at pagpapaskil ng mga advertisement ng mga produktong e-cigarettes na malapit sa maraming paaralan sa Pilipinas. Mahigit 2,000 tindahan ang nasa loob ng distansyang100 metro sa 276 na paaralan. Wala pang kalahati ng 6,617 retailer na na-survey sa buong bansa ang mayanunsiyo na ipinagbabawal ang pagbebenta ng e-cigarettes sa mga indibidwal na wala pang 18 taong gulang.

Maliwanag ang banta sa kalusugan ng ating kabataan. Hindi mainam ang vaping sa ating katawan. Huwag natin hayaan na maging epidemya ang EVALI.

AUTHOR PROFILE