Eric may bagong role bilang ama

October 26, 2023 Aster Amoyo 1435 views

Eric1ACTOR, director, writer, producer, entrepreneur and Net25 Star Center head Eric Quizon is among the well-loved personalities in the industry which he definitely got from his late father, Comedy King Dolphy.

Although permanent resident na siya ng Hong Kong where he also has a job, Eric stays longer in Manila laluna ngayong kailangan niyang tutukan ang kanyang pagiging pinuno ng sariling talent management arm ng Net25, ang Star Center kung saan siya ang tumatayong `ama’ ng 32 young aspiring talents.

Wala pa mang sariling pamilya si Eric, bigla umano siyang nagkaroon ng 32 na anak na kailangan niyang tutukan at pangalagaan.

Ang 32 young talents ay dumaan sa proseso ng audition, rigid workshops in acting, singing, dancing, personality development, speech at iba pang kailangan ng mga  baguhan in showbiz at kasama na rito ang iba’t ibang social media platforms.

Napaka-suwerte ng mga contract talents ng Star Center dahil wala silang ginastos sa kanilang iba’t ibang workshops kundi ang kanilang oras at  commitment sa kanilang tinatahak na karera in the biz na personal mismong pinamamahalaan ni Mr. Q (for Quizon).

Ayon kay Eric, it was Wilma Galvante (who is a veteran TV executive) ang nag-recommend sa kanya sa management ng Net25 to handle the newly-opened Star Center, ang talent management arm ng TV network.

Kung ang ABS-CBN ay may Star Magic at Sparkle Artists Center naman ang GMA, may sarili na ring Star Center ang Net25.

Sa kabila ng exclusive contracts ng Starkadas with Star Center, they are allowed to do projects outside including other TV networks provided na libre sila at walang conflict with their schedules sa Net25.   Pero kailangan pa rin nilang magpaalam at ipaalam sa Star Center.

AquinoBautistaMiyukiSantosJohnAng bumubuo ng unang batch ng Star Center ay sina Zach Francisco, Yvan Castro, Via Lorica, Victoria Wood (bunsong anak ng namayapang Jukebox King na si Victor Wood), Shanicka Arganda, Tim Figueroa, Rachel Gabreza, Arnella Brianna, Nicky Gilbert, Sofi Fermazi, Patrick Roxas, Shira Tweg, Mischka Mathay, Kanishia Santos (younger sister ng singer-actor na si LA Santos), Migs Rubia, Nate Reyes, Marco Ramos, Miyuki de Leon (pamangkin ng wife ni Vandolph Quizon na si Jenn), Jam Aquino (ang dalaga ng beauty czar na si Mader Ricky Reyes), John Heindrick, Juan Atienza, Jannah Madrid, Arwen Cruz, Drei Arias, David Racelis, Dana Davids, Aaron Gonzalez, Gera Suarez, Celyn David, Bo Bautista, Crissie Mathay at Gia Gonzales.

Although may iba’t iba nang TV assignments ang mga miyembro ng Star Center, magkakasama  rin sila sa daily reality show na Starkadas para lalo silang ma-train sa pamamagitan ng programa at mailabas ang iba’t iba nilang skills in singing, acting, dancing and hosting.

Eric admits na malaking challenge umano sa kanya ang pamunuan ang Star Center ng Net25.  Pero nariyan pa rin umano ang kanyang pagiging actor at director.  May dalaw siyang show sa Net25 na parehong sitcom, ang”Quizon City” which he co-stars and co-directs with brother Epy Quizon at ang “3 n  1” kung saan naman nila co-star ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Samantala, si Eric din ang director ng upcoming 6TH The Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa November 26 sa Aliw Theater.

Thankful si Eric sa pamunuan ng Net25 dahil sa ibinigay na tiwala sa kanya.

Since he has a full-time job at Net25,  he would only fly to Hong Kong where  he maintains his own apartment, kapag meron siyang free time.

Samantala, gusto naming  pasalamatan bukod kay Eric si Otep Buncalan, ang executive producer ng ilang shows ng Net25 at tumatayong road manager ng Star Center dahil siya ang gumawa ng paraan para makapanayam namin si Eric at ang  bumubuo ng Starkadas maging ang ilang stars na may programa sa nasabing TV network.

Sharon-Gabby concert sold out

SharonSharon1SOLD-OUT na sold-out ang kauna-unahang  concert ng dating celebrity couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ang “Dear Heart: The Concert” na gaganapin ngayong gabi, October 27, 2023 sa SM MOA Arena kung saan inaasahan ang pagdalo  at participation ng kanilang unica hija na si KC Concepcion.  Ito’y susundan ng Special VIP Night at the Grand Ballroom ng Okada Manila on October 30 at sa Nustar Convention Center on November 17, 2023.

Hindi man matuluy-tuloy ang balik-tambalan ng dating mag-asawa sa pelikula, natuloy naman ito sa pamamagitan ng kanilang rare concert together.

Ang titulong “Dear Heart: The Concert” ay hango sa 1981 first movie together nina Sharon at Gabby nung 1981 na dinirek ni Danny Zialcita under Sining Silangan Productions.  Tampok din sa nasabing pelikula sina Eddie Garcia, Liza Lorena, Ronaldo Valdez, Rosemarie Gil, Josephine Estrada, Fred Montilla, Johnny Wilson, Virginia Montes, Suzanne Gonzales, Edu Manzano, Imelda Ilanan, Tony Carreon, Odette Khan, Mely Tagasa at Ting Jocson.  Sa nasabing pelikula unang nagkalapit sa isa’t isa sina Sharon at Gabby na nasundan ng marriage proposal ni Gabby kay Sharon nung July 1984, a secret civil wedding and their grand wedding at the Manila Catheral nung September 23, 1984.  Seven months later ay isinilang ang kanilang kaisa-isang supling na si KC Concepcion nung April 7, 1985.  Pero tulad ng ibang celebrity couples, nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ng dalawa when KC was barely three years old.

Sharon and Gabby made at least eight movies before, during and after their marriage.   Pagkatapos ng kanilang 1981 hit movie na “Dear Heart,” on same year ay sinundan ito ng “P.S. I Love You” under Viva Films, “My Only Love” in 1982, “Sa Hirap at Ginhawa” at “Dapat Ka Bang Mahalin” in 1984, ang “Pati Ba Pintig ng Puso” nung 1985, “Bakit Ikaw Pa Rin” in 1990 at last movie nila together ang “My Only Love” nung 1992 and that was over three decades ago.

Since magkaibigang muli ang dating mag-asawa, malaki ang posibilidad na matuloy na ang kanilang much-awaited reunion movie.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.  Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE