Paul Gutierez

Epektibo ang Department Circular 20 ng DOJ

July 5, 2024 Paul M. Gutierrez 253 views

SALUDO tayo sa Department of Justice sa pamumuno ng mahusay na kalihim nito na si Sec. Jesus Crispin “Boyimg” Remulla sa nakamit na mataas na conviction rate sa mga kaso na isinampa ng kagawaran.

Nakapagrehistro ng impresibong 93.59 percent conviction rate ang DOJ sa mga kaso na sumailalim sa mga case build-ups mula second quarter ng 2023 hanggang first quarter ng 2024, kung saan 3,561 kaso na isinampa sa korte ang nagresulta sa conviction.

Para sa kabatiran ng ating mga kababayan, ang Department Circular No. 20 ng DOJ na ipinalabas ni Sec. Boying ay nagtatakda sa mga piskal na masusing magsagawa ng case build-up at tiyakin na malakas ang mga ebidensiya bago isampa ang kaso sa korte.

Dati, ang karaniwang ginagamit lamang na basehan sa pagsasampa ng kaso ay kapag nakakita ng tianatawag na ‘probable cause’ sa mga kasong kriminal, ngunit ngayon ay mas pinaigting ang pamantayan sa pagtiyak na mataas ang ‘conviction rate’ o malakas ang ebidensiya upang madiin ang akusado.

Patunay na sinasalang mabuti ng kagawaran ang mga kaso, 7,114 na itinuturing na mahihinang kaso makalipas ang may isang taon na case build-up, ay hindi isinama sa korte na agad ibiunasura sa piskalya pa lamang. Ito ang mga kaso na ipinapalagay natin na mahina ang ebidensiya kung saan posibleng maabswelto ang akusado.

Ipinagmalaki din ng DOJ na dahil sa matiyaga at masusing pagkalap nila ng mga ebidensiya katuwang ang mga law enforcement agents, kaya nakapagtala ng mataas na 93.59 percent conviction rate.

Ipinaliwanag naman ni DOJ Usec Jesse Andres, na hindi nila hinahayaan na maisampa sa korte ang mahihinang kaso, na kalimitang nagiging harassment lamang sa defendant, partikular kung wala namang matibay na ebidensiya.

Epektibo ang kautusang ito ni Bosman na nagpapaalala sa mga piskal na huwag madaliin ang pagsasampa ng kaso kung matatalo din lamang pagdating sa korte. Lagi niyang iginigiit na dapat tiyakin na mataas ang chance na mako-convict ang akusado dahil sa malakas na ebidensiya at mga witnesses, bago isampa ang kaso.

Ipinag-utos din ni Sec. Remulla na lumabas ng kanilang mga tanggapan ang mga prosecutors at sumama sa mga pulis sa pakikipag-usap sa mga witnesses sa pagkalap ng mga ebidensiya.

Ang mga pamantayan na ito ay ginagawa rin natin sa ating ahensiya sa Presidential task Force on Media Security (PTFoMS) kaugnay sa mga kaso ng pagpatay sa mga kagawad ng media, kung saan ang umaagapay sa atin ay ang mga kasamahan natin sa DOJ.

Malaki ang pasasalamat natin kay Sec. Remulla bilang chairman ng PTFoMS dahil laging nakaagapay sa lahat ng mga kaso ng media.

At dahil sa pamantayan na ito ni Bosman, naniniwala tayo na malakas ang mga ebidensiya laban sa mga suspek sa pagpatay sa ating mga kapatid sa media.

Muli, papuri sa DOJ sa mataas na antas na nakamit para ma-convict at managot ang mga totoong may sala. Mabuhay ka Bosman!

AUTHOR PROFILE