Vico

Endorsement video ni Vic kay Vico nag-viral

March 28, 2025 Vinia Vivar 187 views

Viral ngayon ang video ni Vic Sotto habang nagsasalita sa campaign rally ng kanyang anak na si Pasig Mayor Vico Sotto.

Nakilahok si Bossing sa campaign rally ni Mayor Vico ngayong Biyernes, March 28, kung saan ay nagbigay siya ng mensahe para sa mga Pasigueño.

Proud na proud ang iconic TV host kay Vico at inisa-isa ang mga nagawa nito sa ilang taong panunungkulan sa Pasig.

Sey niya, napakaswerte ng mga Pasigueño sa pagkakaroon ng mayor na tulad ng kanilang anak ni Coney Reyes.

Nang tatawagin na ni Bossing si Vico sa stage, buong pagmamalaki niya itong ipinakilala bilang ‘susunod na presidente ng Pilipinas.’

“Ito na po, ang susunod na presidente ng Pilipinas, Mayor Vico Sotto,” sigaw ni Vic sabay-tawa.

Umani ng masigabong palakpakan at sigawan ang tinuran ni Bossing.

Samu’t sari rin ang naging reaksyon ng netizens sa viral video na ito ni Vic pero karamihan sa nabasa namin ay puro positive comments at looking forward na sila sa pagtakbo ni Vico bilang Presidente.

Sa ngayon ay hindi pa qualified si Vico for Presidency dahil 35 years old pa lamang siya.

Base sa Konstitusyon, 40-anyos pataas ang age requirement para sa mga kakandidatong presidente ng bansa.

AUTHOR PROFILE