Rape HULI–Ang suspek na naresto habang binabasahan ng kanyang kaso at karapatan bilang akusado. Kuha ni Jon Jon Reyes

Encoder arestado sa rape

August 1, 2023 Jonjon Reyes 259 views

HIMAS rehas ngayon ang isang 28-anyos na encoder matapos arestuhin ng mga operatiba ng Manila Police District dahil sa panghahalay sa Asuncion Street, Binondo, Manila, Lunes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Ermer Torres, ng 531 Asuncion St., Binondo, Manila at kasalukuyang nakakulong na sa Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) sa Manila City Hall..

Batay sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division ll ng SMaRT, bandang 12:30 ng hapon nang arestuhin ang binata sa kanyang bahay

Inutos ni Major Samonte ang pag aresto sa suspek sa pangunguna ni Police Major Dave Garcia, Police Major Val Valencia, Police Captain Edgar Julian, Police Captain Kevin Ray Bautista at ang mga tauhan nito nang makumpirma ang kinaroroonan ng binata.

Inaresto ang binata dahil sa kasong qualified rape.

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office ng MPD, na ipinarating ni MPD Director Police Brigadier General Andre Dizon ang pagbati sa mga pulis dahil sa pagkakaaresto ng suspek.

AUTHOR PROFILE