
Empoy natameme sa harap ni Annalyn
INAMIN ng komedyanteng si Empoy Marquez na malaki ang crush niya sa Bubble Gang babe na si Analyn Barro.
Nang malaman ni Analyn na may crush sa kanya si Empoy, doon niya na-realize kung bakit “kakaiba” ang ikinikilos ng komedyante nang magkita sila sa nakaraang GMA Ball.
Ikinuwento pa ni Analyn na natulala na lang umano si Empoy habang kausap siya.
Sinabi raw ni Empoy, ‘Hi Ana! May sasabihin sana ako sa ‘yo.’ Sagot ni Ana na ‘Anong gusto mong sabihin?’ Pero di na raw nakapagsalita si Empoy.
Si Jayson Gaiza raw ang nagbuking kay Empoy na may crush ito kay Analyn.
Magkasama sina Jayson at Empoy sa Black Rider ng GMA Public Affairs.
Chef Boy Logro ‘muling nabuhay’
PAGKATAPOS ng ilang taon, nagbabalik-telebisyon ang “Kusina Master” na si Chef Boy Logro, na mapapanood sa GMA Integrated News program na “Balita Ko.”
“Sobra. Nakakatuwa, parang nabuhay ulit ako. Parang kailan lang, ito na naman. Maraming salamat!” sabi ni Chef Boy Logro sa Balita Ko noong Biyernes.
Mapapanood si Chef Boy sa “Tsibugan Na!” segment ng programa.
Para sa unang episode ng “Tsibugan Na!” muling ipinakita ni Chef Boy ang kanyang superb cooking skills at naghanda ng eggplant meatballs na puwedeng ibaon sa mga sementeryo para sa Undas.
Ayon sa Kusina Master, puwede itong pampamilya o pangnegosyo.
Ed Sheeran muling magtatanghal sa Pilipinas
MULING magtatanghal sa Pilipinas ang English singer-songwriter na si Ed Sheeran sa susunod na taon.
Dadalhin ni Ed Sheeran sa Pilipinas ang kaniyang + – = ÷ x Tour na gaganapin SMDC sa Festival Grounds sa Paranaque City sa March 9, 2024.
Ayon sa Ovation Productions, mabibili na tickets via ovationtickets.com at smtickets.com.
Dating nang nagtanghal sa Manila si Ed noong 2015 at 2018. Lumabas naman siya sa isang episode ng “All Out Sundays” noong 2021. Nitong nakaraang Marso, inilabas ni Ed ang kaniyang latest album na “Subtract.”
Sinimulan niya ang kaniyang concert tour sa US bilang suporta sa kaniyang album, na tinawag niyang “most honest” album niya.
Kasama sa album ang heartbreaking single na “Eyes Closed.” Kabilang sa mga hit song ni Ed ang “Perfect,” “Shape of You,” “Photograph,” “Lego House,” at marami pang iba