
Emote ni Barbie: Achievements natatabunan ng isyu sa lovelife
Hindi inakala ni Barbie Forteza na darating ang ganitong panahon sa kanya na magkakaroon siya ng magkaibang onscreen partner at real-life boyfriend na pag-uusapan nang husto.
“Alam mo, siguro sa career ko, ‘yan ang hindi ko inakalang mae-encounter kong problema lalo na sa edad kong ‘to na 26, pag-uusapan pa ba natin ‘yan?” sey ni Barbie sa interview niya sa vlog ni Luis Manzano.
“I’d like to believe na nag-mature na rin ako. So, parang to go back to that… tapos parang nao-overshadow niya ‘yung achievements ko as a person and as an actress na ‘yun naman talaga ang dahilan kaya ako pumasok sa showbiz.
“Nao-overshadow siya ng lovelife ko at ng… ’di ba? Parang sabi ko, sayang lang,” aniya.
Tinanong ni Luis kung totoo bang sinabi niya na napupuno na siya o pagod na pagod nang sagutin ang tungkol sa boyfriend na si Jak Roberto at ka-loveteam na si David Licauco.
“Actually, ‘yun lang yata ‘yung caption pero hindi ako ‘yung nagsabi talaga na napupuno na ‘ko. Pero ‘yun nga ‘yung tanong, like ‘hindi ba nagseselos si Jak kay David?’
“So, parang ang sinabi ko lang, nauubusan na ako ng isasagot kasi ‘yun lagi ‘yung tanong. Eh, nauubusan na ‘ko ng isasagot kung paano pa iku-construct ‘yung sentence na ‘hindi nga po, okay po kaming tatlo, okay po kami ni Jak, okay kami ni David, okay si Jak at si David.’ ‘Yung ganu’n,” paliwanag ni Barbie.
“’Yun lang, nauubusan lang talaga ako ng sagot, pero hindi naman ako napupuno,” paglilinaw pa niya.