Ellen

Ellen, inamin ang pagpapa-botox ng ilong

September 2, 2023 Vinia Vivar 442 views

Inamin ni Ellen Adarna na nagpa-botox siya sa ilong noong panahong aktibo pa siya sa pag-aartista.

Sa ‘ask me a question’ ni Ellen sa Instagram ay may netizen na nagkomento na akala niya ay natural ang ilong ng aktres pero nagpa-nose botox pala ito.

Hindi naman ito itinanggi ni Ellen at agad na kinumpirma ang sinabi ng netizen.

“Yes I had my nose botoxed before when I was active in showbiz,” sey niya.

Ipinaliwanag ng aktres na kapag nagpa-nose botox ang isang tao ay maiiwasang lumaki ang butas ng ilong tuwing iiyak.

“What botox does sa nose, it doesn’t make your nose flare like this (pinalaki niya ang butas ng ilong). And when I was still active, of course, you’re in front of the camera, the close-ups when you cry,” aniya.

But since then ay hindi na raw siya nagpagalaw pa ng ilong.

“I swear on Elias’ life that my nose has never been under the knife, no cuts whatsoever. This is my natural nose,” pagdidiin ni Ellen.

“Now, botox is not permanent and I haven’t done it in a looong time, so my nose is back to… it can flare again,” aniya at pinalaking muli ang butas ng kanyang ilong.

AUTHOR PROFILE