Ellen

Ellen, ‘di alam at walang pakialam sa kaso ni Awra

July 3, 2023 Vinia Vivar 683 views

Napatawa kami nang malakas ni Ellen Adarna nang sagutin niya ang tanong ng isang netizen sa Instagram kung ano ang masasabi niya sa nangyari kay Awra Briguela.

Ang eksaktong tanong sa kanya, “Unsa imong ma say about what happened to Awra?”

Sagot ni Ellen, “Lately ‘day, sa labas, I think, this month, wala akong aura, wala akong rampa. Kahit na gabi na. Wala akong aura at all. Lutang. Maybe next month. I’ve been busy this month, so, wala, haggard. Zero aura, zero rampa.”

Obviously, ang akala niyang “Awra” na tinatanong sa kanya ay “aura.”

Later on, may isang netizen na nagsabi sa kanya ng, “I think the question was about Awra Briguela ate Ellen.” At saka lang niya ito nasagot nang tama.

Ayon kay Ellen, hindi niya alam at hindi siya interesado.

“I don’t really know and it’s not my business. I’m not interested. I don’t follow showbiz, tabloid, tsika-tsika,” aniya.

Dagdag pa niya, matagal na siyang hindi nagbabasa ng mga news outlet to keep her peace.

“I don’t know Awra. This is my kind of aura now,” sey pa niya sabay-hawak sa kanyang face.

Hahaha! ‘Kaaliw itong si Ellen.

AUTHOR PROFILE