
Elle naaksidente sa pagpi-picture kay Derrick
Nagkaroon pala ng freak accident ang Kapuso actress na si Elle Villanueva habang nagbabakasyon sila ng boyfriend na si Derrick Monasterio sa Europe.
Ni-reveal ito mismo ng Kapuso actor sa mediacon ng bago niyang TV series na “Slay” last Wednesday.
Ayon kay Derrick, hindi niya makakalimutan ang nangyaring aksidente na naganap habang nasa Alps sila sa Switzerland.
“She almost died. Nasa Alps kami tapos nadulas siya without knowing kung matatapos ba ‘yun and dire-diretso lang siya pababa,” kwento ni Derrick.
That moment ay sobrang takot daw niya na baka mawala sa kanya ang taong pinakamamahal niya.
“Buti na lang, huminto (ang pagdausdos pababa ni Elle). Buti na lang, safe kami. Pero ‘yung moment na ‘yun talaga ang nagpa-realize sa akin na life is short, na huwag kong i-take for granted ang buhay,” ani Derrick.
“Sobrang grabe ang pasasalamat ko na walang nangyari sa kanya,” dagdag pa niya.
Bago raw ang aksidente ay nagpapa-picture siya kay Elle. Nagulat na lang siya nang bigla itong mahulog.
“Nahulog siya, dire-diretso. Sa sobrang taas, like two-storey high slope without seeing the end kasi sobrang foggy,” aniya.
Mapapanood daw sa vlog ni Elle soon ang nasabing aksidente dahil nakunan nito ng video ang aktwal na pangyayari.
Samantala, sa nasabing presscon ay pinuri-puri ng isa sa big bosses ng GMA Network si Derrick sa mahusay na performance niya sa “Slay.”
Aniya ay rebelasyon ang aktor sa nasabing serye.
Sobrang flattered and grateful naman ni Derrick sa papuring natanggap mula sa top GMA executive.
“I’ve been here in showbiz for 15 years, ever since, lagi akong nakakarinig ng comments na hindi ako marunong umarte, na ham actor (ako). Siguro, this is the first time that I’ve been receiving this kinds of compliments.
“For me, nakakatuwa siya, minsan, nagiging emotional ako ‘pag nakakarinig ako ng mga ganu’n kasi… ah, wala eh, ano, eh. Ano talaga, eh, parang nakakatuwa talaga, eh, kasi hindi ko siya na-experience before. Thank you, thank you, salamat po,” ani Derrick.
Pangako ng aktor, hindi niya bibiguin ang tiwalang ibinibigay sa kanya ng network at mas gagalingan pa niya ang trabaho.
Samantala, ang “Slay” ay pinagbibidahan ng hottest GMA/Sparkle female stars na sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Ysabel Ortega at Mikee Quintos.
Magsisimula na ang mystery series sa March 24 at magkakaroon ito ng dalawang bersyon, ang isa ay umeere sa TV (GMA Prime) at ang isa naman ay sa Viu streaming platform.