Elise

Elisse at McCoy nagpaplano nang pakasal

February 6, 2022 Aster Amoyo 579 views

Elise1PAREHONG ini-enjoy ng young partners na sina Elisse Joson at McCoy de Leon ang pagiging parents ng kanilang doll-like daughter na si Felize McKinzie who’s turning one-year-old on April 15.

The ex-PBB housemates-actors are not in a hurry to get married dahil ang kanilang priority sa ngayon ay ang kanilang first born.

Bukod sa first birthday ni Baby Felize, gusto nina Elisse at McCoy na paghandaan din ang nalalapit na binyag ng kanilang anak.

Although pangarap ng bawat babae na magkaroon ng isang bonggang wedding ceremony, gusto ni Elisse ng isang simple church or beach wedding lamang in the presence of their respective families and close friends.

Kung si McCoy ay lumipat na sa pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA) nung 2020, si Elisse naman ay nananatiling Kapamilya.

Si Elisse ay isa sa mga tampok na bituin sa iWant TFC original na “The Goodbye Girl,” isang TV adaptation mula sa libro of same title na sinulat ni Noreen Capili. Ito’y tinatampukan ni Angelica Panganiban kasama sina JC de Vera, RK Bagatsing, Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Maris Racal at Turs Daza. Ito’y mula sa direksiyon ni Derick Cabrido at joint production ng Dreamscape Entertainment and Clever Minds.

CherieCherie lumipad papuntang New York matapos ibenta ang mga property rito

VETERAN singer and award-winning actress Cherie Gil surprised everyone when she decided to sell everything she had in Manila and decided to move to New York, USA where her three children are based.

The only daughter of veteran actors Eddie Mesa and Rosemarie Gil and youngest sister to Michael de Mesa and the late Mark Gil, si Cherie ay huling napanood nung isang taon sa primetime TV series na “Legal Wives” ng tinampukan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali na pinamahalaan ni Zig Dulay sa Kapamilya network. The drama-romance TV series ended last November 12, 2021.

The 58-year-old singer-actress was formerly married to renowned violinist na si Rony Rogoff with whom she has two kids, sina Bianca at Raphael. May isa rin siyang anak, her eldest sa veteran actor na si Leo Martinez na si Jay (Jeremiah David). Her marriage to Rony lasted 14 years pero nagkahiwalay sila nung 2008. For many years ay namirmihan din si Cherie ng maraming taon sa New York until she decided to give her acting career another try.

Cherie is carrying a bald head nang ito’y mag-cover sa lifestyle magazine, ang Mega Magazine, isang indikasyon ay meron itong pinagdadaanan, isa sa mga dahilan kung bakit siya biglang nag-impake ng kanyang mga gamit at lumisan patungong New York City.

DietherDiether ligtas na

NAKALABAS na ng pagamutan ang Kapamilya actor na si Diether Ocampo matapos itong maaksidente sa kanyang minamanehong SUV along Osmena Highway in Makati City bandang 12:40 a.m. ng February 4, araw ng Biyernes.

Ayon sa actor, galing umano siya sa meeting na umabot ng madaling araw at pauwi na sana nang siya’y maaksidente. Nagpasalamat siya sa mga taong kanyang naabala at sa mga taong tumulong at nagdala sa kanya sa hospital.

Although wasak ang harapan ng kanyang sasakyan, nagpasalamat pa rin siya sa Diyos na siya’y buhay at walang ibang taong nadamay sa aksidente.

Ang actor ay huling napanood sa primetime drama series ng Kapamilya network, ang “Huwag Kang Mangamba”.

JokoJoko nagpapasalamat ngayong balik-Viva

NAGPAPASALAMAT ang veteran actor na si Joko Diaz (50) na hindi umano siya nawawalan ng trabaho ngayong balik-Viva siya kung saan siya nagsimula when he was still young.

Si Joko ay nakababatang kapatid ng actress na si Cheska Diaz at mga anak ng yumaong veteran character actor na si Paquito Diaz. Tiyuhin naman nila ang yumao na ring si Romy Diaz na isa ring paboritong character actor nung kanyang kapanahunan. Pero naiba naman sa kanila si Joko dahil ito’y ginawang young action star noon ng Viva Films na unang nag-build-up sa kanya.

Taong 1984 nang magsimula si Joko bilang child actor sa mga pelikulang “Sigaw ng Katarungan,” “Basag ang Pula,” “Idol,” “Boy Negro” at marami pang iba.

It was in 1995 nang siya’y i-launch ng Viva bilang action star sa pamamagitan ng “Grepor `Butch’ Belgica” at magmula noon ay naging sunud-sunod na ang kanyang mga pelikula. Pero tulad ng ibang actor, dumaan din umano siya sa panahong wala siya halos ginagawang proyekto kaya nag-desisyon siyang lumipad patungong Amerika where he worked for one year. Pero muli siyang bumalik ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang acting career. Luckily for him, muli na naman siyang nabigyan ng pagkakataon sa kanyang acting career, this time sa telebisyon sa pamamagitan ng iba’t ibang TV series kung saan kabi-kabila ang kanyang ginagawang serye doing supporting roles.

The actor got reunited with his girlfriend noon, now his wife na si Abby Diaz, dating international flight stewardess na nagtatrabaho ngayon sa port of Batangas – Bureau of Immigration. Ang mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Ashley (17) at Pacque (12). Meron ding isang anak ang actor sa kanyang ex-girlfriend na si Angelu de Leon na si Nicole na nakapagtapos na ng pag-aaral sa Ateneo de Manila University.

Ang anak niyang si Ashley ay nakakontrata rin ngayon sa Viva bilang singer-actress.

Pamangkin din ni Joko ang Kapamilya young actor na si Kiko Estrada, anak ng kanyang elder sister na si Cheska sa actor na si Gary Estrada.

It was only last November nang muling lumagda ng kontrata sa Viva si Joko pero kabi-kabila ngayon ang ginagawa niyang pelikula na karamihan sexy movies.

“Trabaho lang, walang personalan,” natatawa niyang tugon.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Facebook@asteraamoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE