El Nino

El Nino phenomenon

April 23, 2023 People's Tonight 930 views

MABUTI na lang at “napakaagap at maaasahan” ang mga weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Noon pa man ay naglalabas na sila ng mga babala na baka makaranas tayo ng El Nino phenomenon sa kalagitnaan ng taong ito na maaaring magtagal hanggang early part ng 2024.

At baka nga mag-isyu na nga ng “El Nino Alert” ang mga PAGASAweather forecaster sa susunod na buwan (Mayo) kasi “the chances of its occurrence continues to rise.”

Pagdatng ng Hulyo hanggang Setyembre, ang chances ng El Nino ay tataas mula 70 percent hanggang 80 percent, “with above normal rainfall bago ang kanyang aktwal na simula.

“The phenomenon, characterized by warmer than average temperatures, will be initially felt in Mindanao in October and will progress in the Visayas and Luzon,” ayon sa reports.

Ang Pilipinas, na dinadalaw ng 20 typhoons and storms sa isang taon, ay huling nakaranas ng El Nino noong 2018-19. Ilan sa weather disturbances na ito ay destructive at deadly.

Ayon pa sa report, ang maagang preparasyon at kooperasyon ng publiko, kasama na ang ordinaryong mamamayan. ay napakahalaga “in dealing with the extreme weather system.”

At talagang napakahalaga ang pagtitipid ng tubig kagaya ng laging panawagan ng maraming sektor bago pa man dumating ang napakainit na summer season sa bansa.

Huwag na huwag nating balewalain ang panawagan ng gobyeno na tayo’y magtipid ng tubig dahil hindi biro ang masamang epekto ng El Nino sa ating lahat.

Maawa tayo sa mga taong walang pambili ng bottled water dahil sa sobrang kahirapan.

AUTHOR PROFILE