
EJK DAPAT HEINOUS CRIME
Panukalang batas inihain sa Kamara, idinidiin na
ISANG panukalang batas na naglalayong gawing karumal-dumal na krimen ang extrajudicial killings (EJK) at patawan ito ng mabigat na parusa ang inihain sa Kamara de Representantes ngayong Biyernes.
Ang hakbang na ito ay naglalayong isulong ang katarungan at pananagutan para sa mga ahente ng estado at nasa kapangyarihan na mapapatunayang sangkot sa hindi legal na pagpatay.
Ang House Bill (HB) No. 10986 o ang Anti-Extrajudicial Killing Act ay inakda nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, at mga co-chairmen ng quad committee na sina Reps. Robert Ace Barbers, Bienvenido “Benny” Abante, Dan Fernandez at Stephen Joseph “Caraps” Paduano.
Ang iba pang may-akda ng panukalang batas ay sina Reps. Romeo Acop, Johnny Pimentel, Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Rodge Gutierrez, Paolo Ortega, Jay Khonghun at Jonathan Keith Flores.
Ang panukalang batas ay batay sa mga natuklasan at rekomendasyon ng quad committee na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga EJK na naglalayong magtakda ng mahigpit na pamantayan sa batas upang tugunan ang mga krimeng ito at tiyakin ang pananagutan ng mga mapapatunayang nagkasala.
“Extrajudicial killing or the killing of individuals without judicial proceedings or legal authority, poses a grave threat to the rule of law, democracy and the protection of human rights. These acts bypass established judicial procedures, undermining public trust in the justice system and violating the basic rights to life and due process guaranteed by the Constitution,” ayon pa sa panukala.
“The lack of accountability for such crimes contributes to a culture of impunity, where perpetrators believe they can act without fear of legal consequences. This bill seeks to explicitly criminalize EJK, ensuring that any individual, regardless of rank or position, who is found guilty of participating in, authorizing, or condoning such acts will face appropriate criminal penalties,” dagdag pa nito.
Sa ilalim ng panukala, ang mga EJK ay ituturing na mga karumal-dumal na krimen, na nangangahulugang ang mga mahahatulan ay maaaring humarap sa mabibigat na parusa, kabilang ang habambuhay na pagkakulong o reclusion perpetua na walang pagkakataong mabigyan ng parole.
Itinatakda ng batas na ang EJK ay tumutukoy sa mga ilegal na pagpatay na isinagawa ng mga opisyal ng pamahalaan o ng mga kumikilos na may pahintulot o pagtanggap ng mga kautusan mula sa estado.
“Extrajudicial killing (EJK) refers to any killing other than that imposed by the State pursuant to the provisions of the Constitution on heinous crimes or a deliberate and arbitrary killing of any person not authorized by a previous judgment pronounced by a competent court affording all the judicial guarantees which are recognized as indispensable by civilized peoples,” ayon pa sa panukala.
“It may be committed by a public officer, person in authority, agent of a person in authority, or any person who is acting under the actual or apparent authority of the State,” dagdag pa nito.
Itinatakda din nito ang “Administrative Negligence,” o ang “kakulangan ng aksyon ng sinumang pampublikong opisyal, taong may awtoridad, o tauhan ng taong may awtoridad na pigilan ang extrajudicial killing sa kanyang nasasakupan.”
“By defining EJK as a specific crime, this bill aims to strengthen the legal framework for investigating, prosecuting, and punishing those responsible for these heinous acts,” saad pa ng panukala.
Ipinapahayag ng panukalang batas na ang sinumang ahente ng estado na mapatunayan na nagkasala sa EJK ay makatatanggap ng parusang habambuhay na pagkakulong.
“The penalty of life imprisonment shall be imposed upon a public officer, person of authority, agent of a person in authority, or any person who is acting under the actual or apparent authority of the State, who commits an extrajudicial killing or who orders the extrajudicial killing,” ayon pa sa nilalaman ng panukala.
“Any superior military, police or law enforcement officer or senior government official who issued an order to any lower ranking personnel to commit an extrajudicial killing for whatever purpose shall be equally liable as principals,” dagdag pa nito.
Sa mga pagkakataong may kinalaman ang mga pribadong indibidwal ngunit napatunayang kumilos sila sa ilalim ng patnubay o kasabay ng mga opisyal ng estado, ang parehong parusa ay ipapataw sa kanila.
“The classification of EJK as a heinous crime is a necessary step to restore public confidence in the justice system and uphold the rule of law. It affirms the State’s duty to ensure that all individuals are afforded the protection of law and that justice is served in every case of unlawful killing,” saad pa ng panukalang batas.
“By adopting this measure, the State not only seeks to provide justice for victims and their families but also to send a clear message that all acts of violence outside legal processes will not be tolerated,” paliwanag pa nito.
Kabilang sa mga pangunahing nilalaman ng panukalang batas ang probisyon para sa mga reparations para sa mga pamilya ng mga biktima ng EJK.
Itinatakda rin ng panukala na ang gobyerno ay magbibigay ng kompensasyon sa mga pamilya ng mga biktima bilang pagkilala sa mga hindi makatarungang pagdurusa na kanilang dinanas sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang Extrajudicial Killing Claims Board.