Martin Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

EDUKASYON PARA SA LAHAT POSIBLE NA

June 28, 2024 People's Tonight 78 views

Pagsasabatas ng libreng college entrance exam ipinagbunyi ni Speaker Romualdez

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagsasabatas para hindi na magbayad ng entrance examination fee ang mga kuwalipikadong mag-aaral na nais pumasok sa pribadong kolehiyo.

Ang panukala ay niratipika ng Kamara de Representantes at Senado noong Mayo at naging isang batas makalipas ang 30-araw na walang naging aksyon laban dito ang Pangulo.

Layunin ng batas na mabigyan ng oportunidad ang mga kuwalipikadong mag-aaral na mayroong pinansyal na limitasyon para makakuha ng pagsusulit sa mga pribadong kolehiyo.

“This law is a crucial step in our efforts to provide equal educational opportunities for all Filipinos, regardless of their financial situation,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

“By waiving entrance exam fees, we are removing a significant hurdle that prevents many talented and deserving students from pursuing their dreams of higher education,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa pamamagitan ng isang liham ay ipinarating ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Speaker Romualdez na naging batas na ang panukala at naging Republic Act No. 12006 noong ika-14 ng Hunyo.

Sa ilalim ng Konstitusyon, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay may 30-araw para lagdaan o i-veto ang isang panukalang batas na niratipika ng Kongreso. Kung walang naging pagkilos ang Pangulo, ang panukala ay magiging ganap na batas makaraan ang 30-araw.

Kinilala ni Speaker Romualdez ang mas malawak na implikasyon ng batas na mapaangat ang isang komunidad na makatutulong sa pagpapaunlad ng bansa.

“Education is the key to unlocking our nation’s potential. When we invest in our youth, we invest in the future of our country. This law will help ensure that more students have the chance to succeed, thereby contributing to the growth and progress of the Philippines,” ani Speaker Romualdez.

Ang bagong batas ay naguutos sa lahat ng pribadong mataas na institusyong pang-edukasyon na ilibre ang pagkuha ng entrance examination ng mga estudyanteng nagpapakita ng malaking potensyal sa akademiko, ngunit walang pambayad ng examination fee.

Inaasahan na libu-libong mga mag-aaral sa bansa ang mabibigyan ng pagkakataon na makakuha ng libreng pagsusulit.

Dahil ang batas ay agad na ipatutupad, ang mga educational institution ay inaatasang sumunod sa sinasaad ng batas, tiyaking lahat ng kuwalipikadong mag-aaral ay mayroong pagkakataong makapag-aplay para sa admission ng walang bayad.

Kumpiyansa rin ang pinuno ng Kamara na ang bagong batas ay magiging daan para sa mas inklusibo at patas na sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

“The passage of this law reflects our commitment to making education accessible to all. It is our hope that this will inspire more students to strive for academic excellence, knowing that their financial background will not be a barrier to their aspirations,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

AUTHOR PROFILE

Nation

SHOW ALL

Calendar