Edu

Edu, naaksidente!

October 29, 2023 Vinia Vivar 390 views

Naaksidente si Edu Manzano dahil sa kanyang mga aso at hindi siya gaanong makakilos.

Ibinalita ito ng aktor sa Instagram kasama ang mga larawan ng kanyang mga tinamong sugat.

Makikita sa photos na nagkaroon siya ng injury sa kanyang mga braso, tuhod at paa.

Sa caption ay ipinahayag niya ang pagkalungkot na hindi siya nakadalo sa dalawang importanteng okasyon dahil sa kanyang aksidente.

“It hasn’t been a great week. Due to an accident w/ my golden retrievers I missed a wedding and a baptism due to my immobility,” simula ni Edu.

Hindi na idinetalye ng aktor kung paano siya naaksidente sa kanyang mga alagang aso.

“Yesterday Dr. Mark Edmon Tan of Medical City Santolan had to extract another 30cc of fluid and blood from my knee after an initial 15cc the other day,” aniya.

“I’m posting because I’m sad I missed those 2 very impt occasions. Gus & Gi, Bob & Ayi babawi ako when I’m good enough to walk,” sey pa ni Edu.

Pinasalamatan ng aktor ang kanyang mga doktor na siyang gumagamot sa kanyang mga sugat.

“Thank you Dr. Mark @markedmontan & Dr. Mariel @kieltan for putting the pieces back together again. Now I have hope,” he said.

Sa comment section ay marami ang naawa kay Edu at hangad nila ang maagang paggaling ng aktor.

AUTHOR PROFILE