Edu dinalaw ang mga anak sa New York

February 16, 2025 Aster Amoyo 362 views

Edu1WE accidentally bumped into veteran actor, host, entrepreneur and a grandfather twice over na si Edu Manzano at Gate 139 ng Haneda International Terminal in Tokyo, Japan last Thursday (February 13) ng umaga en route to Manila. Nagkataon na pareho kami ng connecting flight and we also shared the same shuttle bus kaya matagal-tagal din kami nagkakuwentuhan.

Si Edu ay galing sa kanyang two-month vacation in New York City, USA kung saan pareho naka-base ang kanyang dalawang anak (sa dating model na si Rina Samson) na sina Addie at Enzo. Sa dalawa, si Addie ay may kasal na, sa American national na si Jared Glassman at meron na rin silang newly-born baby boy na si Jaime Wolf, ang second grandchild ng actor. Nauna na rito si Isabelle Rose or Peanut, ang first baby ng mag-asawang Luis Manzano at ng actress na si Jessy Mendiola. Si Luis ang panganay na anak ni Edu sa kanyang ex-wife, ang Star for All Seasons at politician na si Vilma Santos-Recto. Nananatili pa ring single ang kanyang bunso na si Enzo.

Nang makita ni Edu na may hiwalay kaming bitbit na Duty Free bag bukod sa aming hand carry luggage, agad nitong kinuha sa amin para siya ang magdala.

Nauna kaming sumakay sa shuttle bus dahil inalalayan pa niya ang mga babaeng passengers na hirap sa kanilang mga dala-dalahan. Ganoon ka-gentleman ang isang Edu Manzano na sobrang warm and friendly sa lahat ng bumabati at nagpapa-selfie sa kanya. At nagbiro pa itong nagtsa-charge umano siya ng $2 per selfie with him.

Sa aming tsikahan, naibalita nito sa amin na sa Paranaque na umano siya nakatira ngayon at ibinenta na niya ang kanyang house in Greenhills, San Juan.

Bago nagtungo ng New York ay tinapos muna ni Edu ang kanyang ginawang teleserye for ABS-CBN, ang hit primetime series na “Lavender Fields” where he played a contravida role as Vittorio Buenavidez bilang ama ng character na ginampanan ni Janine Gutierrez as Iris Buenavidez who were among the lead stars along with Jodi Sta. Maria and Jericho Rosales with Jodi playing the title role.

Edu reminds us of the late Eddie Garcia na napakahusay na actor mapa-bida o kontrabida man.

Hindi na namin inurirat ang actor sa kanyang huling naka-relasyon, ang mahusay na aktres na si Cherry Pie Picache. Pero ang maganda sa kanila ay nanatili silang magkaibigan after their break-up nung isang taon at naging tahimik ang kanilang paghihiwalay unlike other controversial break-ups ng ibang celebrity couples.

Ang totoong buhay ni Princess sa Amerika

PrincessPrincess1BERNADETTE Vela Punzalan-Field ang legal name ng aktres na si Princess Punzalan sa Amerika. Pero Princess pa rin ang tawag sa kanya ng mga taong nakakakilala sa kanya at Princess Punzalan ang kanyang screen name sa mga TV and movie projects na kanyang ginagawa in the US.

When not busy sa kanyang acting career, Princess is a full time wife to Jason Field and mother to their lovely daughter na si Ellie. She also has a fulltime job bilang nurse sa isang hospice.

Princess was formerly married to actor-comedian-turned TV host-producer and businessman na si Willie Revillame (1990-1997) pero hindi sila nabiyayaan ng anak. She met her American husband na si Jason Field in the Philippines sa isang charity event which led to their marriage in 2005. The couple eventually relocated in the US na siyang naging rason ng kanyang pagtalikod sa kanyang acting career sa Pilipinas.

Si Princess ay panganay na anak ng namayapang famous radio and TV personalities na sina Orly Punzalan and Helen Vela at meron siyang nakababatang kapatid na si Paolo Punzalan na isa na ngayong senior pastor ng Victory church – BGC. Bukod kay Paolo ay meron pa siyang dalawang younger siblings – si Reuben (sa mother side) and a sister na si Meg (sa father side).

When Princess’ mother (Helen Vela) passed on, she took over the task left behind by her mom bilang host-producer ng long-running TV drama anthology na “Lovingly Yours, Helen” na ginawang “Lovingly Yours” na tumagal pa ng apat na taon bago ito nagpaalam sa ere. Nagkaroon din noon si Princess ng sarili niyang weekly drama anthology, ang “Princess” which was also produced ng Hypervision Productions ng kanyang inang si Helen Vela. Nang magtapos ang “Princess” ay pinalitan ito ng isang sitcom, ang “Family 3 plus 1” kung saan tampok ang mag-inang Helen at Princess kasama sina Ronaldo Valdez at Caridad Sanchez. Dalawang Best Comedy Show ng napanalunan ng program mula sa Star Awards for TV. Nawala sa ere ang programa nang sumakabilang-buhay si Helen.

Although marami nang programa at serye ang nagawa ni Princess, tumatak nang husto ang kanyang character as Selina Matias sa 1977 hit TV drama series na “Mula sa Puso” na pinagbidahan nina Claudine Barretto and the late Rico Yan. Since then ay naging in-demand na si Princess sa mga contravida roles which she actually didn’t mind.

Sa sobrang galing ni Princess sa kanyang role in “Mula sa Puso” ay naranasan umano niyang paluin ng payong ng isang matandang babae na nagalit sa kanya dahil sa kanyang evil character sa nasabing serye. Sa halip na magalit ay natawa na lamang si Princess at ipinaliwanag niya sa matanda na role lamang ang kanyang ginampanan at hindi siya ganun sa totoong buhay at doon lamang kumalma ang matanda.

Very proud si Princess sa kanyang ever-supportive husband na si Jason na siyang nag-decide na mag-relocate sila ng Los Angeles, California para mas malapit ito sa kanyang work bilang actress.

Tulad ng ibang talents in the US, may sarili na ring agent (talent manager sa Pilipinas) si Princess who represents her in looking for projects and auditions. Sumailalim din si Princess ng various workshops in the US para lalong ma-enchance ang kanyang acting. But since walang regularity ang kanyang trabaho bilang actress, she has a stable job bilang isang registered nurse sa isang hospice.

In our visit to L.A. last year and this year, Princess finds time na magkita kami despite her work and busy schedule and we appreciate her for that.

Geoffrey Jimenez: Godfather to the Stars in L.A.

GeoffreyGeoffrey1MAITUTURING na `Godfather to the Stars’ in Los Angeles, California, USA ang dating nurse-turned successful businessman na si Geoffrey Jimenez who now resides in one of his many properties in Granada Hills, California.

Unknown to many, marami na ring mga kilalang Filipino showbiz personalities ang tumuloy sa kanya (whenever they’re in L.A.) tulad nina Coco Martin, the late Jaclyn Jose, Martin Nievera, Jake Zyrus, ang mag-inang Teresa Loyzaga and Diego Loyzaga, Gabby Concepcion and his family, Alma Moreno, Eva Eugenio, Direk Brillante Mendoza at iba pa.

Geoffrey owns over 30 hospices and home health agencies in California and the Midwest. Siya rin ang present owner ng over 25-year old Eva’s Lechon (in L.A.) at siya rin ang may tangan ng Miss Filipina International Pageant. Ito’y labas pa sa mga negosyo na kanyang pinatatakbo sa Pilipinas, from his hometown in Nueva Ecija, meron din siyang mga negosyo tulad ng isang resort in Lumban, Laguna, Tagaytay at iba pang lugar.

Kilalang-kilala si Geoffrey sa Filipino community in L.A. at iba pang lugar dahil sa kanyang pagsuporta sa iba’t ibang Filipino major events and projects sa Amerika.

Geoffrey and his family ay nakatakdang umuwi ng Pilipinas third week of August this year para rito i-celebrate ang 90th birthday ng kanyang butihing ina na si Nanay Aurea Jimenez na napakalakas pa at sharp ang memory.

Bukod sa isang grand birthday celebration sa kanilang hometown in Nueva Ecija, may hiwalay ding selebrasyon in Tagaytay City para sa kanilang mga kaanak at mga kaibigan na hindi makakarating ng Nueva Ecija. Ito’y pasasalamat ni Geoffrey sa Diyos dahil sa mahabang buhay ng kanyang ina at patuloy na tagumpay ng kanyang mga itinayong negosyo sa kabila ng maraming pagsubok.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE