Echo

Echo, mas bet makatrabaho si Kathryn kesa kina Quen, Donny at James

November 30, 2023 Vinia Vivar 251 views

Viral agad ang Instagram post ni Jericho Rosales kung saan ay nagpakita siya ng interes na makatrabaho si Kathryn Bernardo.

Ibinahagi ni Echo ang post ng Mega Entertainment kung saan ay makikita ang collage ng mga larawan nila nina Enrique Gil, Donny Pangilinan, James Reid at Kathryn Bernardo.

Sa caption ay sinabi niyang mas gusto niyang makapareha si Kathryn kesa sa tatlong aktor.

“While I would love to be paired with these gorgeous leading men, I think it would make more sense to work with Kath at this moment,” caption ni Jericho.

Nagpakita agad ng positive reaction ang netizens at ang daming nagsabi na bagay sina Kathryn at Jericho.

“Yes pleaseeeeee!!! Super bagay!!! Manunuod ako for sure!!!” ang komento ng isang netizen.

“Bagay! Sana yung magandang story line! Love story na drama. I’m seated for this!” sey naman ng isa pa.

“Sana magkatotoo na ‘to… 2019 pa yan sinabi ni Echo na gusto nya makawork si Kath kaso naunahan pa raw sya ni Alden,” sabi naman ng isa pang tagahanga.

“Consistent si Echo gusto niya talaga maka work si Kathryn noh? Nakaka excite sana matuloy na!” another netizen said.

AUTHOR PROFILE