
‘EB’ at ‘Showtime’ malupit ang tapatan
Isa na namang malupit na “showdown” ang nasaksihan ng televiewers sa tapatang naganap kahapon, April 6, sa pagitan ng dalawang magkalabang noontime shows na Eat Bulaga at It’s Showtime.
Kahapon nga napanood ang first broadcast ng It’s Showtime sa GMA-7 kaya naman inabangan talaga ng manonood ang kanilang pasabog ganundin ang ‘pangtapat’ naman ng EB sa TV5.
Opening number pa lang ng It’s Showtime ay pasabog na kung saan ay makikita ang isa sa hosts nitong si Vice Ganda na nakaupo sa puso na bahagi ng logo ng GMA Network.
Siyempre, in full force ang buong It’s Showtime hosts na aside from Vice Ganda ay kinabibilangan nina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, Darren Espanto, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.
Tinapatan naman ito ng EB ng kanilang National Barangay Day kung saan ay libu-libong tao mula sa iba’t ibang barangay ang nag-street party kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.
Sa studio naman ay may showdown si Maine Mendoza sa Manoeuvers dancers, si Atasha Muhlach sa Universal Motion Dancers at si Miles Ocampo with the Streetboys, ang dating grupo nina Vhong at Jhong.
Of course, hindi naman pwedeng mawala sa EB ang TVJ na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Star-studded din ang It’s Showtime dahil sa pagdalo ng ang Kapuso stars na sina Jillian Ward, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Mark Bautista, Christian Bautista, Glaiza de Castro, Chanty of Lapillus, Nadine Samonte at Jake Vargas.
Sa EB naman, ang kanilang pang-tapat sa Kapuso stars ay si Andres Muhlach, ang guwapong kakambal ni Atasha Muhlach at anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.
Naglaro sa Peraphy segment si Andres at napakaraming kinilig sa mala-heartthrob na dating ng anak nina Aga and Charlene.
Tinapatan naman ito ng It’s Showtime ng guesting ng mag-inang Melanie Marquez at Michelle Dee sa EXpecially For You segment.
Needless to say, top-trending sa X (dating Twitter) ang first broadcast ng It’s Showtime sa GMA sa hashtag na #ShowtimeSanibPwersa.
Samantala, sa EB naman ay inulan ng papuri ang kagwapuhan ni Andres at wish ng fans na sana ay maging permanenteng Dabarkads na ito sa nasabing noontime show.