Michelle Larawan mula sa IG/Michelle Dy

‘Eat your greens’

June 28, 2024 People's Tonight 50 views

NAPA-WOW ang netizens sa morena beauty ng beauty content creator na si Michelle Dy.

Bagyo ang kanyang hotness nang bulabugin nito ang mundo ng mga kalalakihan sa ibinahagi niyang mga larawan sa Instagram.

Ibinida ng kilalang YouTuber sa nasabing post ang kanyang sun-kissed glow skin sa suot na green two-piece bikini nang magtungo sa isang beach sa Thailand.

“Eat your greens,” sey niya sa caption ng post.

Ang mga barako tuloy naging “green minded” din sa inihain ni Michelle sa kanila. Sa suot niyang kulay berde, nabuhayan ang kanilang “birdy.”

Nasa dagat man si Michelle, biyaheng langit naman ang kanyang mga lalaking tagasubaybay sa mala-anghel na ganda ng bebot at mala-halimaw niyang kaseksihan.

Hindi lang sa makeup magaling ang social media personality, magaling din itong maging pampagana sa taglay niyang kariktan at perpektong kurba.

Nag-apoy ang comment section ni Michelle. Maging ang kanyang mga kapwa influencer ay nawindang sa pagpapainit ng social media star.

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar