Bulaga

‘Eat Bulaga’ nag-happy 1 sa 5

July 1, 2024 Vinia Vivar 88 views

UNANG taon ng Eat Bulaga kahapon, July 1, sa bago nilang tahanan na TV5.

Ngayon nga ay nagagamit na ang Eat Bulaga sa noontime show na nagsimula lang sa tatlong letrang E.A.T.

Pero matapos ang ilang buwang labanan sa korte, napunta rin kina Tito, Vic and Joey at Legit Dabarkads ang title.

Hindi pa rin tumitigil sa pagbibigay-saya ang noontime show, pagtulong at paggawa ng bagong segments na nakakaaliw talaga.

Una munang ipinakita sa selebrasyon kahapon ang collage ng past episodes last year ng Bulaga sa TV 5.

Nabuo sa EB ang AI Family, Gimme 5 at napapanood ang Rewind ng dance groups na naging bahagi ng programa.

Forty-five years na ang Bulaga this year.

Aiming for gold ang mga involved sa show at malaki ang chance na ma-achieve nila ang gold anniversary.

Hindi nga lang live ang opening ng 1 on 5 ng Eat Bulaga. Eh, deadline kaya hindi na namin nakita pa ang next segments.

Sabi ni Joey de Leon, “Kahit maliit ang studio namin, ang importante, eh , sama-sama tayong lahat!”

Happy 1 on 5, Eat Bulaga!

KAPUSO FANS AYAW KAY JESSY

LUMABAS ang balita sa socmed na kukunin ng GMA Network si Jessy Mendiola. Pero walang kumpirmasyon kaugnay ng balita.

May mga umangal na netizens. Obviously, hindi nila gusto si Jessy.

Sigaw nila, si Angel Locsin na lang ang kunin ng Kapuso kesa kay Jessy.

Naku, gusto naman kaya ni Angel, eh, hanggang ngayon ay hindi pa siya lumalantad sa publiko, huh!

AUTHOR PROFILE