Phivolcs

Eastern Samar niyanig ng 6.1 magnitude na lindol

November 2, 2023 Zaida I. Delos Reyes 275 views

NIYANIG ng magnitude 6.1 na lindol ang Eastern Samar hapon ng Nob. 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang lindol dakong alas-2:50 ng hapon.

Nasa 51 kilometro sa silangan ng Hernani ang sentro ng lindol at may lalim na 48 kilometro, ayon sa Phivolcs.

Naitala ang intensity II ng lindol sa Quinapondan at Can–Avid sa Eastern Samar; Villaba, Abuyog, Calubian, Carigara at Leyte sa Leyte.

Intensity I na lindol ang naramdaman sa Mahaplag, Javier, Hilongos, Leyte at Rosario sa Northern Samar at Hinunangan sa Southern Leyte.

Inaasahan ng Phivolcs na magkakaroon ng pinsala at aftershocks ang lindol kaya pinag-iingat ang publiko.

Tiniyak ng Phivolcs na walang banta ng tsunami ang naganap na lindol.