
Earl surreal ang feeling sa tagumpay ng ‘Tibok’
MULA sa Ozamiz City ang bagong discovery ng Viva Records na si Earl Agustin.
Sa TikTok unang narinig ang suwabeng boses ni Earl na binigyan ng title na #1Top OPM Artist on Spotify Philippines.
Si Earl ang most streamed OPM artist sa bansa at unang Filipino artist na nakapasok sa Top 50 ng Global Spotify chart.
Samantala, ang viral hit song niyang “Tibok” ang unang OPM song na lumampas sa 200 million daily streams sa Spotify, achieving 2,092 million streams sa loob ng isang araw, huh!
Take note na hindi lang sa Spotify kundi maging sa Apple Music PH, YouTube PH at iTunes PH, eh, nanguna na rin ang “Tibok.”
Kung ang kanta ni Earl ay may kuneksyon sa ghosting sa kanya ng dating crush, ang bagong single niyang “Pag-ibig ng Ikaw at Ako” ay tungkol naman sa pag-ibig na unique, pure at unwavering.
Sa tagumpay ng “Tibok,” magiging bahagi ng official soundtrack ng hit series na “Ang Mutya ng Section E” ang kanta.
“Masaya ako sa ‘Tibok’ na hindi na lang siya music na papakinggan ng casual listener, meron na din siyang incorporation sa series,” pahayag ni Earl nang humarap sa mediacon kamakailan.
“Sobrang surreal ng feeling… sobrang saya and sobrang thankful ako — lalo na sa mga taong naniniwala at sumusuporta sa akin since day one,” dagdag niya.
Jakcpot ang Viva sa “Ang Mutya ng Section E” dahil hit na sa cast, hit pa sa music na nakapaloob sa OST, huh!
SHOWBIZ MEDIA PINAHALAGAHAN NG ‘REVIVAL KING’
PINASAYANG muli ni Jojo Mendrez at ng managers niya ang entertainment media na dumalo sa launching ng bagong single niyang “Nandito Lang Ako” na gawa ni Jonathan Manalo under Star Music PH.
Pinahalagahan ng Revival King ang showbiz media na malaki ang naging tulong upang makamit ang tagumpay sa buhay at sa larangan ng musika.
Maging ang composer ng song na si Jonathan ay pinuri ang pagkanta ni Jojo sa “Nandito Lang Ako” at walang pag-aalinlangan na sa kanya niya ibinigay ang kanta.
Isang sorpresa sa ending ng mediacon ang suporta ng “StarStruck” alumnus na si Rainier Castillo, isa sa mga kaibigan ni Jojo.
Congratulations, Jojo!