Roxie Larawan mula sa IG/Roxie Smith

Dyosa

August 20, 2024 People's Tonight 233 views

DYOSA kung ituring ng netizens si Miss Earth Philippines 2020 at Kapuso actress na si Roxie Smith.

Sa isa sa kanyang Instagram post, nagpasabog ng kagandahan at kaseksihan sa ilang larawang ibinahagi ang beauty queen-actress.

Saad niya sa caption “and the sun shines again.”

Mala-anghel man ang kariktan ng bebot, halimaw naman ang ibinubuga nitong hotness sa suot niyang two-piece bikini habang nasa beach ng Coron, Palawan.

Talagang walang aayaw sa ganda ng hubog ng katawan ng beauty queen-actress. Bumulaga man sa social media ang kanyang toned body, mapapalingon din ang sino mang barako sa pa-cleavage ng aktres.

Swabeng-swabe at banayad ang patakam ni Roxie. Maging ang kanyang facial expression na para bang masayang nambibitin ay tila ikaaangat ng libido ng mga kelot.

Pinusuan ng netizens at binaha nila ng reaksyon ang nasabing mga larawan ng Kapuso actress.

Narito ang ilang komentong mababasa sa post ni Roxie: “Omg you are glowing”, “You are breathtakingly gorgeoussss”, “The radiant glowing beauty of one gorgeous goddess”, at “And the goddess brings forth the beauty of the eternal summer.”

AUTHOR PROFILE