Sunog File photo ni JONJON C. REYES

Dump truck sinunog sa Cavite

June 30, 2024 Dennis Abrina 30 views

DASMARIN̈AS CITY, Cavite–Sinunog ng limang lalaki ang dump truck na pag aari ng Metro Waste Solid Waste Management Corp. noong Sabado sa Silang-Paliparan Road, Brgy. Paliparan 1.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4:00 ng umaga ng sunugin ang truck.

Sa salaysay ni Michael Gervacio Estanislao, driver ng truck (NHB 8625), nakapark siya para magpahinga nang bigla na lang nangamoy gas at pagmulat nito nakita niya na nagliliyab na ang trak at napapaligiran ng lima 5 o mahigit pang kalalakihan.

Nagtatakbo siya at humingi ng tulong. Sa pagresponde ng Dasmarin̈as Fire Truck Engine Bravo, naapula ang apoy pero hindi na din mapapakinabangan ang truck.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa insidente habang tinatayang aabot sa mahigit P3 milyon ang halaga ng nasunog na truck.

AUTHOR PROFILE