
DSWD katuwang nina PBBM, Romualdez sa pagtulong umangat buhay ng mga Pinoy
KAPURI-PURI ang kauna-unahang State of the Nation Adress ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. dahil binigyan niyang muli ng pag-asa ang mga Pilipino — lalo na ng mga nangangailangan, naaapi, pati na ng mga ordinaryong mamamayan.
Ipinahiwatig ni Pangulong Marcos na hindi lahat ng oras ay kadiliman o kahirapan. Sa tamang mga programa at pagtulong, lahat ay uunlad — lalo na’t kung may pagkakaisa.
Binabati rin natin ang bagong halal na si Speaker Martin G. Romualdez.
Well-deserved ang landslide victory ni Speaker Romualdez dahil di naman lingid sa kaalaman ng mga Pinoy at kanyang mga kasamahan sa Kongreso ang kanyang tunay na malasakit para sa bayan at mga mamamayan.
Lalong nabigyan ng inspirasyon ang inyong abang lingkod na Kalihim ng Department of Social Welfare and Development na doblehin o triplehin pa ang mga programang magpapawi sa kahirapang dinaranas ng marami.
Ito ay dahil aware po ang inyong lingkod na buo ang suporta ng Pangulo at ng bagong halal na Speaker sa mga programa ng DSWD upang makatulong sa mas nakakarami.
Ipinapangako rin ng inyong lingkod na ang DSWD ay magiging kaagapay ni Pang. Marcos at Speaker Romualdez sa pagpapaunlad ng buhay ng bawa’t Pilipino.
Natanggal sa 4Ps list di kakasuhan
Samantala, inuulit po ng inyong lingkod na ang mga dating beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay hindi dapat mangamba dahil hindi sila kakasuhan o papanagutin.
Hindi naman sila kailangangang papanagutin dahil kahit papaano ay umangat na ang buhay nila kung kaya’t kinakailangan na silang tanggalin sa listahan ng 4Ps beneficiaries. May mga pagkakataon kasing ang dating beneficiary ay nakahanap na ng pagkakakitaan o kaya’y ang kanyang mga magulang o katuwang sa buhay ay nakahanap ng trabaho.
Kay Pangulong Marcos at Speaker Romualdez, congratulations mula sa pamilya ng DSWD at makakaasa po kayong nasa likod po ninyo sa lahat ng oras ang inyong abang lingkod at ang departamento.
Mabuhay po kayo at salamat sa malasakit!