Default Thumbnail

Drugstore sa QC ninakawan

October 1, 2023 Melnie Ragasa-limena 374 views

PINASOK ng mga kawatan ang isang Mercury Drug branch sa Quezon City at tinangay ang pera ng safety vault Linggo ng umaga.

Sa report ng Quezon City Police District Station 5, nadiskubre ang panloloob sa sangay ng Mercury Drug sa Commonwealth Avenue north bound sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City pasado 5:00 ng umaga Oktubre 1.

Ayon sa pulisya, kakabukas lang ng botika nang mapansin ng mga empleyado na nawawala ang pera sa safety vault.

May palatandaan na pwersahang binuksan ang safety vault para makuha ang laman na pera, ayon sa pulisya.