Mabilog FORMER Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog turns emotional while reading his statement recalling the ordeal he went through after his name was included in the drug list of former President Rodrigo Duterte during the Quad Committee hearing at the House of Representatives Thursday morning. Photo by VER NOVENO

‘DRUG WAR PAMPATAHIMIK NG KALABAN’

September 19, 2024 Mar Rodriguez 538 views

ISINIWALAT ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes na ginamit umano nina dating Pangulong Rodrigo Duterte ang war on drugs para patahimikin ang kanyang mga kalaban sa pulitika.

Sinabi ni Mabilog, na isinama umano ni Duterte sa kanyang narco-list, na ginamit na armas ng nakaraang administrasyon ang law enforcement agency, na noon ay PNP chief at ngayon ay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa upang balikan ang kanyang mga kalaban sa pulitika.

Sa kanyang opening statement, itinanggi ni Mabilog na protektor ito ng iligal na droga.

“Una po sa lahat I declare that I was not and never will be a drug protector! I don’t know personally nor did I benefit in any way from any illegal drug personality in Iloilo or anywhere else,” ani Mabilog, na nagsabi na hanggang ngayon ay wala pa siyang kinakaharap na kaso kaugnay ng iligal na droga.

Sinabi ni Mabilog na ang narco-list ni Duterte ay naging ‘hit list.’
“Pero kung inyong titingnang maigi, isinama ang mga pangalan ng kalaban sa pulitika sa isang validated list ng mga drug personalities sa kasunod na PRRD List,” saad ni Mabilog.

“Sa kabila ng mga kuwestiyunableng impormasyon, walang validation o confirmation man lang na ginawa ng kahit na anomang ahensya ng gobyerno sa Malacañang initiated list,” dagdag pa nito.

Dahil umano sa pagbabanta ni Duterte sa kanyang buhay, sinabi ni Mabilog na napiitan itong manatili sa ibang bansa.

“Paulit-ulit ang pagbabanta ni Presidente Duterte sa media, harap-harapang sinasabi na ipapapatay daw ako,” wika pa ni Mabilog.

Ayon kay Mabilog, noong 2017 tinawagan umano siya ng noon ay PNP chief Dela Rosa at inimbitahan na pumuntas a Camp Crame. Naurong umano ng naurong ang oras ng pagpupulong kaya hindi siya mapakali.

“At around 5 p.m., a PNP colonel called me and in a voice that sent shivers down my spine warned me not to go to Camp Crame because my life was in danger,” sabi ni Mabilog.

Sa kaparehong araw, nakatanggap din umano ang misis ni Mabilog ng text message na nagsasabi na pinaligiran ng ilang kalalakihan ang kanyang bahay at papatayin umano siya ng mga ito.

“Mayor, do not return. Your life is in danger. The accusations against you are all fabricated. But if you go to Crame, you’ll be forced to point fingers to an opposition senator and a former presidential candidate as drug lords,” sabi ni Mabilog.

“The terror was paralyzing. I couldn’t believe it – my life was hanging by a thread,” dagdag pa ni Mabilog.

Habang nasa Japan, nakatanggap umano ng tawag si Mabilog mula kay Dela Rosa upang sabihan na nakikisimpatya ito sa kaya at naniniwala na siya ay inosente.

“He told me he knew I was innocent that I wasn’t involved in illegal drugs and he promised to help me,” sabi ni Mabilog.

Pero isang heneral umano ang tumawag sa kanya at sinabihan na huwag umuwi sa Pilipinas.

Sinabi ni Mabilog na ginamit ang mga law enforcement agency sa politika na siyang sumira sa tiwala rito ng tao.

“Using state institutions to carry out personal vendettas or silence perceived enemies undermines the foundation of justice and democracy in our country,” sabi pa nito.

Nanawagan si Mabilog ng reporma sa mga law enforcement agency upang maiwasan na mamanipula ang mga ito para sa pamumulitika.

“Kailangan mapatibay pa ang mga institusyong ito upang hindi basta-basta magagamit o maimpluwensyahan ng pulitika,” deklara ng dating alkalde.

Hiniling din ni Mabilog sa Kongreso na papanagutin ang mga umaabuso sa kapangyarihan.

“No individual should be able to wield such unchecked authority regardless of their position or power,” sabi ng dating alkalde.

“Accusations must be duly validated and authenticated first before any public announcement to avoid shaming and destroying the honor, reputation, and good image of a hardworking and innocent person,” dagdag pa nito.

“Maraming salamat sa Quad Committee na ito dahil nabigyan ako ng pagkakataon na linisin ang aking pangalan at ng minamahal kong Iloilo.”

AUTHOR PROFILE