
Drug suspek tiklo sa shabu
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Hindi nakaporma ang isang 27 anyos na lalaki nang arestuhin ng mga pulis sa buy-bust at nahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng P58,650 sa Bauan, Batangas noong Linggo.
Kinilala ang suspek na si alyas Juan, ng Bgy. Manghinao Proper, Bauan, Batangas, ayon kay Batangas Police Provincial Office Director Police Colonel Samson Belmonte.
Naaresto si alyas Juan bandang 2:45 ng umaga ng Oktubre 22, 2023 ng mga tauhan ng Anti-Dangerous Drugs Enforcement Unit ng Bauan Municipal Police Station (MPS).
Nakuha kay alyas Juan ang P500 buy bust money at 8.5 na gramo ng shabu na may street value na P58,650.
“Hindi titigil ang kapulisan ng buong Batangas Police Provincial Office sa pagtugis sa mga indibidwal na nagpapalaganap ng salot na ipinagbabawal na droga,” sabi ni Belmonte.