Default Thumbnail

Drug suspek sa Pampanga natisod sa P1.7M na shabu

April 20, 2025 Bernard Galang 240 views

CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga—Nasamsam ng mga pulis ng Angeles City noong Abril 17 ang mahigit P1.7 milyong halaga ng shabu mula sa isang drug suspek sa Brgy. Ninoy Aquino, Angeles City, Pampanga.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo ang suspek na si alyas“Gilagid, 43, ng Brgy. Sta. Cruz, Porac, Pampanga na nahuli sa Abacan Bridge sa Brgy. Ninoy Aquino.

Nakuha mula sa kanya ang hindi bababa sa 255 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.73 milyon, isang sling bag at boodle at buy-bust money.

Nasa kustodiya na ngayon ng Police Station 6 ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

“Kahit na Semana Santa, ang ating mga kapulisan walang humpay sa kanilang misyon na panatilihing walang droga ang ating mga komunidad,” ani Fajardo.

AUTHOR PROFILE